• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FEU Manila A tumapos sa Magic 10 ng online chess

TUMAPOS sa top 10 ang Far Eastern University-Manila A sa kasusulong lang at sinalihan ng 125 teams na  Kasparov Chess Foundation University Cup via online.

 

 

Pinangunahan Morayta-based woodpushers si Darry Bernardo, kasapi ng national para chess team, na umiskor ng eighth sa posibleng nine points sa Board 4, at sa sinilat niya si International Master Harshit Raja ng India.

 

 

Sumosyo ang FEU-Manila A sa ikapitong puwesto kasama ang National Technical University of Athens A, (Greece), St. Louis University A (United States) at Moscow Institute of Physics and Technology A, (Russia) na may 6.5 points each.

 

 

Pero pagkapatupad ng tie break points, nagkasya sa 10th place ang reigning University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champion team na ag ibang miyembro ay sina Jeth Romy Morado, Rhenzi Kyle Sevillano, John Merill Jacutina at alternate Kristian Glen Abuton.

 

 

“We are so fortunate despite of the pandemic the FEU Sports programs continues especially in Chess. We owe our success to FEU management,” suma ni national women’s squad at FEU coach Grandmaster Jayson Gonzales, na pinasalamatan din sina FEU chairman Aurelio Montinola III at athletic director Mark Molina sa suporta sa koponan. (REC)

Other News
  • NAVOTAS, DOH, PHILHEALTH lumagda sa MOU para sa UHC INTEGRATION SITE

    PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Understanding sa Department of Health (DOH) at PhilHealth para sa pagtatatag ng integrated city-wide health system sa Navotas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-17th cityhood anniversary nito.       Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOU, kasama si Dr. Rio Magpantay, Regional Director […]

  • Gobyerno, target ang 300,000 ektaryang lupain na mapagkalooban ng irigasyon sa termino ni PBBM

    TINATAYANG 300,000 ektarya ang nais abutin ng National Irrigation Administration (NIA) na mabiyayaan ng irigasyon na lupain sa buong termino ng administrasyong Marcos.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni NIA Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 ektarya at ang kailangan lang ay partnership.     Ani Guillen, […]

  • Unang Ginang Liza Marcos nasa Pinas, walang katotohanan na pinigil ng US authorities

    ITINANGGI ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na pinigil ng law enforcers sa Estados Unidos si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos.   ”There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA or and in any other place,” ang sinabi ni Castro.   Sinabi ni Castro na dumating ng […]