• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?

MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles.

 

Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang problema ng mga bentahan ng prangkisa sa LTFRB kaya minabuti ng Ahensya na ipagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng prangkisa.

 

Isang halimbawa ng sumbong ay tungkol sa isang kapitalista na bumibili ng prangkisa ng mga tricycles. Ang target ay mga operators na gipit o salat sa pera. Bibilhin ng mura at pagkatapos ay ibebenta ng higit sa P200 libung piso! Ang masama pa ay yung bumili habang di pa lubos na naaayos ang bentahan ay ipapasada na nang hindi nagbabayad ng “ dues” sa TODA.

 

Ang prangkisa para mag-operate ng public utility vehicle ay isang pribilehiyo na binibigay ng Estado, o ng LGU kung tricycle, ayon sa Local Government Code. Hindi pwedeng binebenta lang ang prangkisa na parang litsong manok o milk tea. May mga tao din na binebenta ng higit sa isa ang unit.

 

Marahil kailangan mapag-aralan kung kailangan nang tularan ng mga LGU ang Memorandum Circular ng LTFRB na ipinagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng public utility vehicle. Dapat kung ayaw na ng operator na bumyahe ay dapat at tama lang na ibalik ang prangkisa sa LGU o sa gobyerno.

 

Samantala tututukan ng LCSP ang mga reklamong nakakarating sa amin upang matigil na ang mg gawaing ganito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Na-challenge sa role ni former Pres. Ferdinand Marcos: CESAR, binigyan lang ng seven days para makapaghanda

    LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel.     Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee […]

  • Fernando, tiniyak na kontrolado ang ASF sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ipahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan.     Naglabas ang Pamahalaang […]

  • Get an exclusive sneak peek at “Joker: Folie à Deux,” starring Joaquin Phoenix and Lady Gaga

    FROM acclaimed writer, director, and producer Todd Phillips comes “Joker: Folie à Deux,” the eagerly awaited sequel to 2019’s Academy Award-winning “Joker.” The original film captivated audiences worldwide, earning over $1 billion at the global box office and securing its place as the highest-grossing R-rated film of all time.     The new installment stars […]