₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector, isinusulong
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
IKINATUWA ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang inhaing Senate Bill No. 2002 ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na nagsusulong sa ₱150 across-the-board increase ng minimum wages ng manggagawa sa private sector.
Kasabay nito, naghain din si TUCP President at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza (TUCP Party-list) ng House Resolution No. 635 na humihikayat sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) na bigyang depinisyon ang konsepto ng family living wage at idetermina ang halaga ng dagdag sahod upang magsilbing guide sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa determinasyon ng minimum wages.
“We welcome these various initiatives to increase the wages of workers because these many proposals, especially spearheaded by the Senate President, underscore the badly needed wage adjustment in light of the erosion of the purchasing power of workers’ wages due to inflation,” ani Mendoza.
Sa National Capital Region (NCR) lamang, ang tunay na halaga ng minimum wage ng manggagawa ay bumaba ng P88 per day ngayong buwan mula sa nominal daily minimum wage value na ₱570 na siyang tunay na daily minimum wage value na ₱482.
Hindi aniya sapat ito para masustine ang kalusugan, produksyon at disenteng pamumuhay ng manggagawang Pinoy at kanilang pamilya.
Ayon pa sa working poverty estimates para sa taong 2022 ng International Labour Organization (ILO), nasa tinatayang 2.22% ng working population ay nasa extreme poverty na namumuhay sa mas mababa pa sa $1.90 o mahigit sa P100 kada araw.
Karamihan sa mga trabahador ay mahirap dahil na rin sa hindi spat ang kanilang sahod para mapunan ang pangangailangan nila at ng kanilang pamilya.
Dagdag pa ang underemployment na doble ang bilang na 14.1% o 6.65 million underemployed Filipinos. (Ara Romero)
-
Paggamit ng e-cigar/vapes sa pampublikong lugar, bawal na rin – EO 106
INILABAS kahapon, Pebrero 28 ng Malacañang ang isang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes (e-cigar) o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products. Ang Executive Order 106 ay nag-aamyenda sa nauna ng EO 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga […]
-
Laguesma, Ople, Balisacan kasama sa gabinete ni Marcos Jr.
TINANGGAP ng tatlong indibidwal ang alok sa kanila na maging bahagi ng incoming Cabinet ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., na tinanggap ni dating Labor secretary Bienvenido “Benny” Laguesma ang alok na pamunuan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at overseas Filipino […]
-
Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel
KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19. Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute. Tinatayang nasa, […]