• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 compound sa Navotas, 2 linggong ni-lockdown

ISANG compound sa Lungsod ng Navotas ang isinailim sa dalawang linggong lockdown matapos magkaroon ng apat na residenteng nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, nagsimulang ipatupad ang lockdown sa compound sa Manalaysay St., Brgy. San Roque alas-8:01pm January 25, 2021 hanggang 11:59pm ng February 8, 2021.

 

 

Layon nito mapigilan ang hawaan ng virus sa lugar kung saan nakapagtala rin aniya ang lungsod ng13.46% growth rate sa mga kaso nito sa pagitan lamang ng dalawang lingo.

 

 

May 13 namang mga close contact na dinala na sa isolation facility ng lungsod habang bibigyan naman ng mga relief packs ang mga residenteng apektado ng lockdown.

 

 

“Mag-iisang taon na po ang problema natin sa COVID-19 pero di po tayo magsasawang magpaalala na dapat sundin natin ang safety measures: pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng mga kamay, pagdistansya ng 1-2 metro mula sa iba, at pananatili sa bahay hanggang maaari. Sa ating pakikiisa, matatapos din ang pandemya”, paalala ni Tiangco.

 

 

Sa ulat ng City Health Office as of January 26, 2021, umabot na sa 5,594 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 79 dito ang active cases habang nasa 5,342 na ang mga gumaling at 173 naman ang mga namatay sa naturang sakit. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads August 16, 2022

  • PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN

    IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.   Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, […]

  • Gobyerno, hindi alam kung saan huhugutin ang pondo para sa P401-billion Bayanihan 3 bill

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maisip ng pamahalaan kung paano popondohan ang panukalang P401-billion Bayanihan 3 bill.   Layon nito na tulungang makabangon ang ekonomiya mula sa pagkawasak at pagkalugmok dahil sa COVID-19 pandemic.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay bunsod ng Bayanihan 3 measure na inaprubahan sa ikalawang pagbasa […]