• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 gradweyt kada pamilya, target ni Bong Go

Inihayag ni Senator Bong Go sa harap ng grupo ng mga negosyan­te ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagsustine sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa.

 

 

Sa Presidentiables Forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kasabay ng 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ni Go na kinakailangang matukoy ang 10 milyong pinakamahihirap sa hanay ng mahihirap para mabigyan sila ng pang-pinansiyal na ayuda at hanapbuhay.

 

 

Kapag natukoy, nais ni Go na tulungan ang bawat pamilya na magkarooon ng isang anak na napagtapos sa pag-aaral.

 

 

Sinabi ni Go na kapag siya ay nahalal, kanyang ipagpapatuloy at pag-iibayuhin ang mga naging accomplishments ng Duterte administration.

 

 

Sa ngayon, sinabi ni Go na may tinatayang 1.6 million mahihirap na Filipino students ang nakapag-aaral nang walang binabayaran sa tuition at miscellaneous fees dahil na rin sa Free Higher Education program ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-expire na vaccines papalitan ng COVAX facility – DOH

    TINIYAK  ng Department of Health (DOH) na papalitan ng COVAX facility ang mga COVID-19 vaccines na nag-expire na.     Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na kabilang sa papalitan ng COVAX ay ang mga bakunang nabili ng mga pribadong sektor.     Dagdag pa nito na mayroong kasunduan noon pa ang COVAX facility […]

  • Maraming makaka-relate sa real-life scenario ng ‘Pusta de Peligro’: KIM at MAINE, nakiisa sa newest campaign ng DigiPlus para sa responsible gaming

    OPISYAL nang inilunsad ng DigiPlus Interactive at ang social development arm nito, ang BingoPlus Foundation, ang ‘Pusta de Peligro Responsible Gaming’ campaign na kung saan ipinalabas na ang tatlong maikling pelikula. Ginanap ito sa Gateway Cinema 11, itinampok sa event ang matatag na pangako ng DigiPlus sa responsableng paglalaro, pagtataguyod para sa pag-iwas, edukasyon, at […]

  • NO CONTACT APPREHENSION at si MODEL na NANAKIT ng ENFORCER

    Umani ng napakaraming batikos at bashing mula sa netizens ang babaeng modelo na nahuli na “beating the red light” at nanakit ng enforcer. Napagalaman pa diumano na drug courier ang babae at wala talagang rason para saktan niya ang enforcer at pagbantaan pa.     Ganitong mga klaseng sitwasyon ang ilan sa nais masolusyunan ng […]