1 kaso ng South African variant naitala sa PGH
- Published on March 8, 2021
- by @peoplesbalita
Naalarma ang mga healthcare workers ng Philippine General Hospital (PGH) makaraang biglaang sumirit ang kaso ng COVID-19 kabilang ang isang kaso ng South African variant.
Sinabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na nakapagtala na ng 105 bagong kaso ng COVID-19 nitong nakaraang Sabado. Ito na ang pinakamalaking bilang na naitala sa nakalipas na apat na buwan sa naturang pagamutan.
Sa impormasyon na ipinarating ng Philippine Genome Center (PGC) sa PGH, sa 30 samples na kanilang sinuri ay isa ang nagpositibo sa South African variant. Nasa 15 healthcare workers na rin umano ang infected ng COVID-19 mula Marso 1 hanggang 4.
Dahil dito aniya, nagsasagawa na ang PGH ng malawakang contact tracing, testing at pag-quarantine sa kanilang mga empleyado na na-exposed sa mga pasyente.
Sinuspinde na rin ang ‘clinical rotations’ ng mga medical clerks at interns para maiwasan na mahawa rin sila ng virus.
Ang lahat naman ng kanilang eligible staff ay pinayuhan nang magpaturok ng COVID-19 vaccine upang madagdagan ang kanilang proteksiyon laban sa virus.
Pansamantala na ring sinuspinde ang elective surgical procedures habang ang outpatient consultation ay dapat isagawa sa pamamagitan ng telemedicine. Hindi rin muna tatanggap ngayon ng ‘walk-ins’ ang kanilang outpatient department.
-
Pacquiao No. 3 sa Top 10 Richest Boxer
Muling napasama si Manny Pacquiao sa listahan ng pinakamayayamang boksingero sa mundo. Retirado na si Pacquiao sa boxing at nakasentro ang atensiyon nito sa buhay pulitika sa kasalukuyan. Matatandaang bilyon ang kinita ng eigth-division world champion sa mahigit dalawang dekadang karera nito sa boxing. Kaya naman sumampa ang Pinoy […]
-
COVID-19 positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26%
UMAKYAT sa 26% ang COVID 19 positivity rate sa Metro Manila, ayon sa pinakahuling monitoring ng OCTA research group. Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na ang kasalukuyang pitong araw na positivity rate ay halos pareho sa naitala na rate noong Mayo 16 sa 25.9% Aniya, ang nationwide COVID-19 positivity […]
-
“A Quiet Place: Day One” roars to record-breaking franchise best, and 2nd biggest opening weekend for 2024 in the PH
A Quiet Place: Day One sets the biggest opening weekend in the history of the franchise, with a global tally of $98.5M. The film is also making noise locally as the 2nd biggest opening weekend in the Philippines for 2024. Watch the newest trailer here: https://youtu.be/kshP9EQX-Ss Set […]