• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1-M pang Sinovac vaccine doses, dumating sa Phl

Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kahapon ng umaga.

 

 

Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671.

 

 

Sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., at ng iba pang health officials.

 

 

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 10 million COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturers ang inaasahan nilang darating ngayong buwan.

 

 

Bukod sa Sinovac, kabilang sa iba pang brands na inaasahang darating sa bansa ay ang bakunang gawa ng Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Johnson and Johnson.

 

 

Mamayang hapon, 250,800 doses naman ng Moderna vaccine kabilang na iyong mga binili ng private sector, ang darating din sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • 300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case

    AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).   Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.   Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga […]

  • Ads February 17, 2020

  • NCAA desididong magbukas sa Marso 5

    DESIDIDO  ang NCAA Management Committee na masimulan ang Season 97 ng liga sa Marso 5.     Nasa Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng Enero kaya’t natigil ang lahat ng training ng contact sports kabilang na ang basketball at volleyball.     Kaya naman sumulat ang pamunuan ng […]