• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 TODAS, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL SA NAVOTAS

NASAWI ang 39-anyos na mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan naman ang isang tsuper nang tamaan ng ligaw na bala sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Dead-on-arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Marlon Jorje ng 478 B Cruz. St. Brgy. Tangos South habang nilapatan naman ng lunas sa nasabing pagamutan si Noey Bacaycay, 56 ng B. Cruz St. na tinamaan ng bala sa kaliwang paa.

 

 

Sa ulat na tinanggap ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, naglalakad sa kahabaan ng Dulong Tangos St. patungong pondohan dakong alas-2:30 ng hapon si Bacaycay nang masalubong niya ang tumatakbong biktima habang hinahabol ng isang lalaking armado ng baril na nakasuot ng itim na t-shirt at itim na bonnet.

 

 

Sinabi ni Bacaycay sa pulisya na biglang nagpaputok ng dalawang sunod ang suspek at nagulat na lang siya nang duguang bumulagta sa kanyang harapan ang biktima habang naramdaman din niya ang pagtagas ng dugo sa kaliwa niyang paa.

 

 

Matapos nito, tumakbo patakas ang suspek patungo sa pondohan habang isinugod naman ang mga biktima sa naturang pagamutan ng mga nagrespondeng opisyal ng barangay at pulisya.

 

 

Iniutos na ni Col. Ollaging ang pagtugis sa salarin habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa upang matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • 1 utas, 2 sugatan sa pananaksak ng lasing na lalaki sa harap ng resto bar sa Navotas

    NALAMBAT ng pulisya ang isang lalaking walang habas na nanaksak sa harap ng isang resto bar na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng dalawa pa sa Navotas City, Martes ng umaga.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Edsel”, nasa hustong gulang at residente ng Blk […]

  • VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP

    KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support”  ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP).     Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni  Robredo sa  “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga  partners nito  na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding […]

  • Yee: Hindi pagresbak ang panalo namin sa Knights

    HINDI itinuturing na pagresbak ng ex-pro na si Mark Yee ng Davao Occidental Tigers Cocolife ang pagbulaga sa San Juan Knights Go For Gold sa apat na laro upang mapanalunan ang natapos nitong Linggo, Marso 21 na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball LeagueLakan Cup 2019-20 National Championsip sa Subic Bay Gym bubble sa Zambales..     […]