10 gamot sa kanser, diabetes, hypertension walang VAT
- Published on June 12, 2025
- by @peoplesbalita

Sa ilalim ng FDA Advisory No. 2025-0510, inirekomenda ng ahensya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na alisin ang VAT sa dalawang gamot para sa kanser, dalawa para sa diabetes, isa para sa mataas na kolesterol, dalawa para sa hypertension, at tatlong gamot para sa sakit sa pag-iisip.
Sampu pang gamot ang idinagdag ng Food and Drug Administration (FDA) sa listahan ng essential medicines na exempted sa 12% value-added tax (VAT), upang gawing mas abot-kaya para sa mga Pilipino.
Sa ilalim ng FDA Advisory No. 2025-0510, inirekomenda ng ahensya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na alisin ang VAT sa dalawang gamot para sa kanser, dalawa para sa diabetes, isa para sa mataas na kolesterol, dalawa para sa hypertension, at tatlong gamot para sa sakit sa pag-iisip.
Ang advisory ay epektibo simula noong Hunyo 4, na unang batch ng VAT-exempt na gamot sa ilalim ng bagong pamamahala ni FDA Director General Paolo Teston.
Kabilang dito ang Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium capsules, Metformin Hydrochloride + Teneligliptin tablets, Atorvastatin (bilang calcium) + Fenofibrate tablet Metoprolol tartrate + Ivabradine at Lamotrigine Una nang VAT exempt ang mahigit 2,000 gamot sa prevention at management ng diabetes, hypertension, cancer, high cholesterol, mental illnesses, tuberculosis and kidney diseases, sa ilalim ng Republic Act No. 10963 (Tax Reform for Acceleration and Inclusion or Train Act) at RA 11534 (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act.)