• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 BSKE candidates, diniskuwalipika ng Comelec

TINATAYANG  100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (BSKE) dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon.

 

 

Kasabay nito, inihayag din ng Comelec ang pagpapasa ng resolusyon na nagsususpinde sa proklamasyon ng 500 BSKE candidates kung magwawagi sa halalan. Ito ay dahil sa mga nakabinbin nilang kaso mula sa premature at illegal campaigning at reklamo ng vote buying.

 

 

Ang pagpapalabas ng naturang resolusyon ay maaga nilang solusyon sakaling hindi agad nila matapos ang pagresolba sa napakaraming disqualification cases na nakahain sa kanila bago ang eleksyon sa Oktubre 30.

 

 

Nangako naman si Comelec Chairman George Garcia na tatapusin nila ang pagresolba sa mga nakabinbin na kaso may isa o dalawang linggo makaraan ang halalan.

 

 

Inaasahan na agad na mapoproklama ang mga magwawaging kandidato na walang nakabinbing disqualification cases sa gabi ng Oktubre 30.

 

 

Agad ding makakaupo sa posisyon ang isang mananalong kandidato sa oras na makapanumpa. Base ito sa desisyon ng Supreme Court na dapat nagtapos na ang termino ng mga kasalukuyang opisyal sa barangay noong 2022, kaya dapat agad na silang mapalitan o muling manungkulan ng bagong mandato kung magwawagi muli.

 

 

Bago rin maupo ay kailangan na nakapagpasa na ang kandidato ng kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) may 30 araw makaraan ang halalan.

 

 

Samantala, bumisita sa Comelec Main Office sa Intramuros si Vice President Sara Duterte para tingnan ang itinayong Command and Operations Center para sa BSKE.

 

 

Ayon kay Garcia, hiniling ni Duterte, tumatayo ring kalihim ng Department of Education (DepEd) na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga guro na mag­mamando sa eleksyon. (Daris Jose)

Other News
  • P150 umento sa sahod sa private sector, iginiit

    DAHIL sa sobrang mahal ng mga bilihin, isinulong sa Kamara ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang across the board wage recovery na P150 umento sa arawang sahod ng private sector employees.     Sa House Bill (HB) No. 7871 ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Representative at House […]

  • KAPISTAHAN NG STO. NIÑO SA MAYNILA, NAGING MATAGUMPAY AT MAPAYAPA

    SA kabuuan,  naging mapayapa ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan bunsod na rin sa maagang paghahanda ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso katuwang ang buong kapulisan ng Manila Police District (MPD).   Pinasalamatan naman ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga […]

  • Sabungan na may automated tayaan, sinalakay ng NBI

    SINAMPAHAN  na ng patung-patong na kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 opisyal ng isang sabungan sa Quezon City dahil sa paggamit ng digital system sa pagpapataya sa kanilang mga kustomer makaraang salakayin ito noong nakaraang Biyernes.     Kabilang sa mga kasong isinampa ay ang paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal […]