• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 NAVOTEÑO FISHERFOLK NAKATANGGAP NG BANGKA AT LAMBAT

UMABOT sa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco.

 

 

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.

 

 

Nauna rito, 448 fisherfolk din ang nakatanggap ng 540 fishing nets na may iba’t-ibang sukat.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng fiberglass reinforced plastic (FRP) boats ay sumailalim sa training sa boat construction, repair, at maintenance na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

 

Matapos ang training, nagtayo sila ng kanilang sariling mga bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng pamahalaang lokal at 13hp engine, fittings, at iba pang gamit na ibinigay ng BFAR.

 

 

“We started the NavoBangka-buhayan program in 2018 in partnership with DA-BFAR and we saw how it helped our fisherfolk gain a sustainable livelihood. Hopefully, we will have our next batch soon,” ani Tiangco.

 

 

Ipinaalala din ng mambabatas sa mga benepisyaryo na tulungan panatilihing malinis ang kapaligiran. (Richard Mesa)

Other News
  • DINGDONG, susunod na leading man ni BEAUTY sa isa pang mini-series; balik-tambalan nila ni MARIAN inaabangan pa rin

    BONGGA si Beauty Gonzalez dahil ang susunod niyang leading man sa GMA Network ay walang-iba kung hindi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.           Pagkatapos nga niyang gawin ang Stories from the Heart, si Dingdong naman ang magiging leading man ni Beauty. Pero hindi pa raw ito ‘yung full-length teleserye talaga, […]

  • Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

    WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.   Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.   Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]

  • Olympian EJ Obiena, may bagong gold medal sa pole vault event sa Taiwan

    NAKAPAG- UWI na naman ang Pinoy Olympian na si Ernest John “EJ” Obiena ng gold medal sa katatapos na Taiwan Pole Vault Championships 2025. Isinagawa ito sa Sun Moon Lake, Nantou, Taipei, kung saan nilahukan ng mga kinatawan ng iba’t-ibang bansa. Ang tagumpay ni Obiena ay nasungkit kahit makapal ang fog sa lugar na halos […]