100 staff ng PGH babakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa unang araw ng rollout nito
- Published on March 2, 2021
- by @peoplesbalita
Aabot sa 100 tauhan ng Philippine General Hospital ang nabakuhanan kontra COVID-19 gamit ang gawa ng Sinovac ng China.
Ayon kay PGH Director Dr. Gap Legaspi, 20 hanggang 50 doses lamang ang una nilang pinaghandaan para sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program.
Subalit nabago ito matapos sabihin sa kanya ni Dr. Homer Co, ang in-charge sa micro planning, na sa palagay niya ay maraming tao ang darating para magpabakuna.
Ang 100 katao na babakunahan ay para lamang sa araw na ito, at sa mga susunod na araw ay mas papagandahin pa ng PGH ang kanilang sistema sa pagbakuna.
Tiwala naman si Legaspi na mas marami pang staff ng PGH ang magpapabakuna sa mga susunod na araw.
Ito ay kahit pa mababa ang bilang ng mga nagpatala sa kanila para tumanggap ng Sinovac COVID-19 vaccines.
Si Legaspi ang kauna-unahang indibidwal na naturukan ng Sinovac COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Sinundiyan siya ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan at mga eksperto sa larangan ng kalusugan at medisina kagaya na lamang nina FDA director general Eric Domingo, infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, MMDA chairman Benhur Abalos at vaccine czar Carlito Galvez.
Bukod sa PGH, dadalhin din ang mga dumating na bakuna kahapon sa Lung Center of the Philippines, Veterans Memorial Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, PNP General Hospital, Pasig City General Hospital, at V. Luna Medical Center. (Daris Jose)
-
Glam team ni Miss Universe-PH BEATRICE, binubuo ng sikat na Filipino designers at jewelry maker; aminado na malaking pressure
ANG Filipino designers na sina Francis Libiran and Axel Que, at ang jewelry maker Manny Halasan ang magsisilbing glam team ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. Sila ang gagawa ng national costume, evening gowns at ilan pang kailangan ni Beatrice sa paglaban nito sa Miss Universe 2021 pageant sa Israel. […]
-
NTC, pinag-aaralan ang legalidad ng deactivation ng ilang internet services sa mga unregistered SIM cards
INIHAYAG ng National Telecommunications Commission (NTC), na kasalukuyang nakikipagtulungan ito sa mga telecommunication companies upang tingnan ang legalidad ng panukalang i-deactivate ang ilang application at serbisyo ng mobile phone para sa mga user na ang mga SIM ay nananatiling hindi nakarehistro sa panahon ng 90-day na extension. Ayon kay NTC deputy commissioner Jon […]
-
3 magnanakaw ng motorsiklo arestado sa Navotas
Arestado ang tatlong hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo habang inuumpisahan na umanong katayin ang ninakaw na motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Raymond Rey, 36, Marvin Villamor, 24 at Jerwin Tadim, 22, pawang scavengers at mga residente ng Permanent […]