1,000 pulis idineploy sa libing ni ex-President Noynoy
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa 1,000 pulis ang naatasang idineploy sa funeral procession ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kahapon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar unang nagpakalat ng mga pulis sa Ateneo de Manila University sa Quezon City kung saan isinagawa ang misa sa dating Pangulo hanggang sa procession route sa C5 Road at South Luzon Expressway, hanggang sa huling hantungan nito sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Bukod pa ang nagbantay na mga tauhan ng pulisya sa tahanan ng pamilya Aquino sa Times street sa Quezon City.
“Almost 1,000 personnel initially na deployment at mga area security,” ayon pa kay Eleazar.
Bukod dito, nag-deploy din ang Metropolitan Manila Development Authority ng may 120 nilang tauhan.
Una nang nakiusap si Eleazar sa mga taga-suporta ng dating Pangulong Aquino, lalo na ang mga nakakatanda na to manatili nalang sa bahay at dahil sa COVID-19 ang isinagawang live coverage ng funeral procession sa telebisyon at iba pang social media platforms. (Gene Adsuara)
-
AIKO, nag-file na ng COC sa pagka-Konsehal kaya malungkot na iiwan ang ‘Prima Donnas’; JOSHUA, palaisipan kung kakampi o kaaway ni ‘Darna’
NAG-FILE na si Aiko Melendez ng Certificate of Candidacy last Wednesday, October 6 sa pagka-Konsehal ng District 5 ng Quezon City kasama ang kanyang lucky charm na si Vice Gov. Jay Khonghun. Sa kanyang post, pinaliwanag niya kung bakit muling papasok sa public service after serving as the Councilor sa 2nd District ng […]
-
Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations
BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region […]
-
LRT-2, magpapatupad ng 11-araw na limitadong biyahe
Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng limitadong biyahe ng kanilang mga tren sa loob ng 11-araw, bilang paghahanda sa nalalapit nang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project ngayong buwan. Batay sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), magtatagal ang implementasyon ng naturang limitadong biyahe sa […]