• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

102% ng target population sa NCR, nakakuha na ng first dose ng Covid vax

SINABI ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may 102.86% na ng target population sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng Covid-19 vaccine.

 

Sinabi ni Galvez, tumatayong chief implementer ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19, na may mahigit na 8.8 milyong indibiduwal o 90.75% ng target population ng Kalakhang Maynila ay fully vaccinated laban sa nakamamatay na sakit.

 

Kaya kumpiyansang inihayag nito na 17 local government units (LGUs) sa NCR ang maaaring gawing fully vaccinated ang kani-kanilang target populations, kabilang na ang mga kabataan na ang edad ay 12 hanggang 17, bago matapos ang taon.

 

Ani Galvez, ang Kalakhang Maynila ay isa sa mga priority regions na nakatanggap ng malaking bulto ng suplay ng bakuna, na mayroong mahigit na 20 milyong doses na na- deploy sa kanilang lokal na pamahalan “as of Nov. 8.”

 

“These deliveries are directly proportional to the current vaccination output of the region, which has already inoculated 102.86 percent of its target population with at least one dose,” dagdag na pahayag nito.

 

Pinuri naman ni Galvez ang mga Metro Manila mayors para sa panibagong “milestone” na ito sa vaccination program ng bansa.

 

“This proves that we remain on track with our vaccination targets. Truly, nothing is impossible if we all work together. A better Christmas is now at hand,” ani Galvez.

 

Tinukoy din ni Galvez na ang pagtaas sa kumpiyansa ng mga tao sa vaccination program ay bunsod na rin ng mababang kaso ng Covid 19 cases sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

Nakatulong aniya ang vaccinatiin drive sa paglago at pagbangon ng ekonomiya ng bansa na umabot na sa 7.1% sa panahon ng third quarter, sa kabila ng anim na linggong strict lockdowns.

 

“Our next goal is to start and sustain the opening up of our classes to protect our children’s future and development. We need to vaccinate our students and teachers before the end of this year,” ani Galvez.

 

Samantala, nananatili namang matigas ang gobyerno sa layunin nito na kompletuhin ang pagbabakuna sa 54 milyong Filipino bago matapos ang Disyembre.

Other News
  • Metro Manila bike lane network binuksan

    Binuksan noong nakaraang Martes ng Department of Transportation (DOTr) ang P801.83 million na bicycle lane network sa Metro Manila na siyang huling bahagi ng 497-kilometer nationwide bike lane network na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).     “Today marks the end of the long wait of cyclists for safe and quality […]

  • ‘Pagkakaroon ng multiple simcard ng isang tao, hindi ipinagbabawal’

    MAAARI pa ring magmay-ari ng maraming simcards ang isang indibidwal.     Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy kaugnay ng ipatutupad na bagong Simcard Registration Act.     Aminado si Uy na may mga lugar na walang signal o mahina ang signal ng isang telecommunication company […]

  • Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

    WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.   Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.   Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]