• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10th Anniversary, naganap sa bonggang events place ni Tei: ODETTE, CHANDA, SHERYL at CELIA, ilan sa nakatanggap ng Artist Circle’s ‘Dekada Award’

NAGANAP ang engrandeng 10th Anniversay party ng Artist Circle noong May 11, 2022 sa bonggang Aquila Crystal Tagaytay Events sa Tagaytay City.

 

 

Pag-aari ito ng newest artist ng Artist Circle si Tei Endencia, at ayon sa founder/manager na si Rams David, na-meet niya ang event specialist dahil kay Wilma Doesnt na isa rin sa kanyang alaga.

 

 

Idea raw ni Tei na gawin nila ang ballroom party para nga sa 10th anniversary ng Artist Circle, “Sabi niya, ‘Tito Rams, let’s do something big.’ And sakto na 10th anniversary ng Artist Circle. At nabuo ito, two weeks ago lang. That’s why I’m grateful kay Tei Endencia, the MasTEIpiece for inviting us over.

 

 

“So, it’s an expansion of my office, for booking na makakatulong din sa mga artista natin.”

 

 

Dagdag pa niya, “at kung kailangan ang expertise niya sa pagde-design ng party, like Fairy Tale o Harry Potter or Phantom of the Opera, maaasahan sa pagde-design si Tei.”And since he owns the venue, doon na nga namin ginawa ang 10th anniversary party.”

 

 

And this month, nag-umpisa na ang pagha-handle ng Artist Circle sa career ni Tei na magkakaroon ng ‘Meet & Greet’ ngayong June at July sa Thailand, Singapore at Dubai para sa kanilang first international event after pandemic.

 

 

Sa FB post niya, “Sawadeee!!!! See you all dear clients! for scheduling our meeting please contact Artist Circle.”

 

 

Hindi naman makapaniwala si Tei na siya na ang Official Events Stylist ng biggest and the Grandest! ‘Themes & Motifs Bridal Fairs and Wedding Expos’ na gaganapin sa SMX Convention Center Manila sa June 25 – 26, 2022.

 

 

Anyway, nagdatingan naman halos lang ng mga artists ng Artist Circle at guests na lumakad sila sa red carpet, nakaroon ng photo op, at nag-enjoy sa sinerve na bonggang dinner.

 

 

In-establish ang Artist Circle noong 2012, at ay more or less ay nasa 70 na ang artists nila.

 

 

“So, bakit siya 70, alam n’yo naman ang mga hawak ko are the character actors and actresses of different field. Before siya naging Artist Circle, it’s House of Characters, dahil marami tayong hawak na artists na pwede sa iba’t-ibang supporting roles na kailangan lalo na sa mga teleserye.”

 

 

At sa ginanap na ika-10 anibersaryo ng Artist Circle, pinarangalan din ni Rams ang mga artistang naging loyal at nakasama nila ten years ago at kung nabubuhay lang si German ‘Kuya Germs’ Moreno ay kasama rin siya sa list.

 

 

Kasama sa labing anim na nakatanggap ng ‘Dekada Award.’ sina Sheryl Cruz, Chanda Romero, Odette Khan, Mosang, Mel Kimura, Shyr Valdez, Dang Cruz, Ces Quesada, Jet Rai, Andrew Schimmer, Robert Correa, Marlon Mance, Rico Robles, Lorenz Martinez, Mike Magat, at Celia Rodriguez.

 

 

Mas nakilala si Rams David bilang mahusay na program manager sa mga shows ng GMA-7 at noong 2011 ay naging president siya ng Triple A (All Access to the Artists) ni Mr. Antonio P. Tuviera at nag-manage ng career nina Marian Rivera at Maine Mendoza, na labis niyang ikinatutuwa sa kasikatang tinatamasa ng dalawang big stars ng GMA-7.

 

 

Hindi naman naging madali pa raw Rams na lisanin ang Triple A Management para personal na matutukan ang kanyang sariling management company.

 

 

Ang ilan pa sa mga artists nina Rams ay sina Jelia Andres, Jopay Paguia at Joshua Zamora, at apat pang Sexbomb Dancers na sina Mia Pangyarihan, Mhyca Bautista, Cheche Tolentino, at Aira Bermudez.

 

 

Kabilang din sa mga talents sina Krissy Achino, ang magkapatid na Mike at Carlos Agassi, Mico Aytona, BJ “Tolits” Forbes, Inday Garutay, Kiks Ferrer, Asiana (daughter ni Wilma) at Christian Antolin na isa sa tinanghal na Stars of the Night kasama sina Jelai, Jopay at Carlos.

 

 

At sa pagpasok ng kanilang ika-11 taon, asahan na mas maraming artists ang madadagdag sa Artist Circle na kung saan meron na rin silang mga kabataan na dini-discover na puwede nilang iko-manage sa Sparkle GMA Artist Center, kung mabibigyan ng pagkakataon.

 

 

Congrats Artist Circle, cheers to more decades in the entertainment industry!

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads November 17, 2022

  • LRT2 may libreng sakay para sa mga kababaihan sa International Womens Day

    NAGHATID ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day, March 8.     Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.   […]

  • Ashleigh Barty unang Australian na nagkampeon sa Wimbledon after 41-yrs

    Nasungkit ni Ashleigh Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.     Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.   […]