• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11.2 milyong Filipino, fully vaccinated na- Galvez

PUMALO na sa 11.2 milyong Filipino ang bilang ng fully vaccinated “as of August 8,” limang buwan matapos na simulan ng pamahalaan ang vaccination program noong Marso 2021.

 

“Almost 13 million have taken their first dose while 11.2 million Filipinos are now fully vaccinated, representing 15.88% of the targeted eligible population… and also 10.13% of the total Philippine population,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa isang panayam matapos na dumating sa bansa ang 326,400 doses ng Moderna vaccines.

 

Ang target na eligible population ay iyong nasa age group na 18 taong gulang pataas.

 

Isiniwalat din ni Galvez na nakapagturok na ang Pilipinas ng 24,174,821 doses ng iba’t ibang bakuna sa buong bansa.

 

Nito lamang Agosto 5, nakapagbakuna ang bansa ng 710,482 COVID-19 vaccine doses, na itinuturing na “record-high single-day vaccination output” sa Pilipinas.

 

Kahapon, araw ng linggo naman ay nakapagtala ang Pilipinas ng 1,658,916 ng COVID-19 cases kabilang na ang “77,516 active cases, 1,552,278 recoveries at 29,122 deaths.”  (Daris Jose)

Other News
  • Malakanyang, pinayuhan ang publiko na mag-ingat kahit pa humina ang bagyong ‘Agaton’

    PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na mag-ingat kahit pa humina na ang bagyong “Agaton” (international name Megi) at naging tropical depression na lamang.     Partikular na pinaalalahanan ng Malakanyang na mag-ingat ang mga residente sa mga apektadong lugar.     “Muli kaming nananawagan sa publiko, lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo, […]

  • PBBM, kasama sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine

    KASAMA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “100 Most Influential People of 2024” ng Time Magazine.     Kinilala ng Time Magazine ang pagsisikap ni Pangulong Marcos sa ‘economic recovery’ matapos ang COVID-19 pandemic at kung paano itinaas ng Pangulo ang Pilipinas sa “world stage.”     Hindi rin nakaligtas sa Time Magazine ang paninindigan […]

  • Matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer: Ama ni LIZA na si ex-DILG undersecretary Martin Diño, pumanaw na

    PUMANAW na kahapon, ika-8 ng Agosto, ang 66 year-old father ni Liza Diño-Seguerra na si former Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Dino matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer.     Sa kanyang FB post, kinumpirma ng former chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang malungkot na balita.   […]