• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

116 bagong kaso ng COVID Delta variant, na-detect – DoH

Naka-detect ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 116 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Dahil dito, mayroon nang kabuuang 331 Delta variant cases sa Pilipinas.

 

 

Maliban dito, mayroon ding 113 na bagong kaso ng Alpha, 122 naman ang bagong kaso ng Beta variant habang 10 ang bagong kaso ng P.3 o ang Philippine variant.

 

 

Sa bilang na 116 na mga bagong kaso ng Delta variant cases, 95 ang local cases, isa ang returning overseas Filipino (ROF) at ang 20 ay inaalam pa kung saan nagmula.

 

 

Nasa 83 cases dito ay may address sa National Capital Region (NCR), habang ang 3 ay mula sa Calabarzon, 4 sa Central Visayas, 2 sa Davao Region, 1 sa Zamboanga Peninsula, 1 sa Cagayan Valley, at 1 sa Ilocos Region.

 

 

Ayon sa DOH, ang lahat ng 116 na bagong Delta variant cases ay pawang gumaling na.

 

 

Ngayong araw din, nakapag-record ang DoH ng 8,127 na mga bagong kaso ng COVID-19, bagay na mas mataas kumpara nitong mga nakaraang araw. (Gene Adsuara)

Other News
  • Marami pang maitutulong ang sports

    MAY mga kakilala po akong taga-sports,  mga atleta, businessman-sportsman, recreational athletes at iba ang tumutulong sa ating mga kababayan sa panahon ng may mahigit apat ng quarantine sanhi ng coronavirus disease 2019 pandemic.   Nakakausap ko po sila sa social media (socmed) sa pamamagitan ng Facebook messenger, nakikita sa ilang post sa Instagram, Twitter at […]

  • GERALD, pinalabas na dehado at kawawa sa paghihiwalay nila ni BEA; nakatikim ng matatalim na mensahe

    MARAMING netizens ang ‘di natuwa kay Gerald Anderson at sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Julia Barretto.     Ano raw ba ang dahilan kung bakit ngayon lang siya umamin, eh marami na raw ang nakakaalam sa tinatago nilang relasyon.     Hindi rin daw nagustuhan ng marami ang pagpe-playing victim ni Gerald dahil […]

  • WHO naalarma na, 180,000 healthcare workers namatay dahil sa COVID-19

    Nababahala na ang World Health Organization (WHO) na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo kapag kulang ang bakunahan.     Sinabi ni WHO head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na kailangang prayoridad na bakunahan ang mga healthcare workers dahil nasa 80,000 hanggang 180,000 na ang mga healthcare workers na namatay […]