• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

116 Pinoy, nananatili pa rin sa Ukraine; 200 seafarers na-stranded sa karagatan

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 116 land-based Filipino ang nananatili sa Ukraine, at 200 Pinoy seafarers naman ang na-stranded sa Black Sea sa gitna ng patuloy na pag-atake ng Russia.

 

 

Ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola, may 27 Filipino kabilang na ang 21 seafarers ang inilipat sa Moldova at nakatawid na sa Bucharest sa Romania para sa byahe patungong Pilipinas.

 

 

Bukod pa sa, may 15 Filipino ang nasa Hungary, 9 naman sa Austria, at 4 sa Romania.

 

 

“So, 116 pa ‘yung nasa loob ng Ukraine,” anito.

 

 

Ani Arriola, mayroong 19 Filipino ang pinauwi sa Pilipinas. May ilang Filipino kasama ang kanilang mga asawang Ukrainian ang nananatili sa bansa sa kabila ng gulo.

 

 

Tinukoy ang impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sinabi ni Arriola na mayroong 200 Filipino seafarers ang na-stranded sa Black Sea at malapit na daungan.

 

 

“Ang estimate nila mas maraming seafarers around 200. Kasi yun naman, hindi naman sila nasa crossfire. Medyo stranded talaga sila sa Black Sea sa Odessa, sa iba’t ibang lugar,” ani Arriola.

 

 

“Ships are being cautious about sailing because two cargo ships were already hit by explosions,” aniya pa rin.

 

 

Hinikayat ni Arriola ang mga Filipino sa Ukraine na bumalik ng Pilipinas upang maging ligtas mula sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

Binigyang diin nito na ang mga Filipino mula Ukraine ay “might have less opportunity for work when they move to other countries as there is an influx of refugees in Europe now.”

 

 

Samantala, umapela naman ang Pilipinas ng agarang pagtigil ng karahasan sa Ukraine sa ilalim ng pag-atake ng Russia at nanawagan sa mga partido na bumuo ng peace accord. (Daris Jose)

Other News
  • Marami pang kaabang-abang na eksena: MARICEL, ‘di makapaniwala sa tagumpay ng ‘Linlang’

    MATUTUNGHAYAN na sa free TV ang teleserye version nang gumimbal at pinag-usapang “Linlang” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman at si Diamond Star Maricel Soriano.    Sa ginanap na mediacon sa Dolphy Theatre noong January 15, inamin premyadong aktres, na hindi niya inakala ang tagumpay ng “Linlang” na napanood sa higit 200 countries […]

  • P11.5 bilyong One COVID-19 allowance, inilabas ng DBM

    INAPRUBAHAN  ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P11.5 bilyon para sa One COVID-19 Allowance/Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mahigit sa 1.6 milyong kwalipikadong public at private health care at non-health care workers (HCWs).     Sakop ng Special Allotment Release Order (SARO) ang hindi napondohang OCA/HEA claims ng mga health […]

  • SUE, umamin na uncompatible ang signs nila ni XAVI pero nagawang mag-work; maraming makaka-relate sa ‘Boyfriend No. 13’

    MARAMI pa rin ang makaka-relate sa bagong series na, Boyfriend No. 13, a WeTV original, line produced ng APT Productions at sa direksyon ni John “Sweet” Lapus.          Kahit na into online, social media ang mga Pinoy ngayon, marami pa rin talaga ang naniniwala sa mga stars, horoscope at zodiac sign. At ganito […]