• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon

PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City.

 

 

Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa Barangay Potrero.

 

 

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon Police chief P.Col. Albert Barot, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang 20-anyos na nakatatandang kapatid na lalaki dakong alas-5 ng hapon ng Sabado sa kanilang tirahan.

 

 

Nang tumawag ang kanilang ama bandang alas-7 ng gabi ay inutusan ang panganay na tawagin ang biktima para kausapin kaya’t umakyat kaagad ang binata patungo sa silid at dito niya nakita ang kapatid na nakadapa at may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg.

 

 

Kaagad niyang tinawag ang kanilang ina na noon ay nagluluto ng pagkain at mabilis nilang isinugod ang biktima, sa tulong ng mga kapitbahay, sa Fatima University Medical Center kung saan siya idineklarang “dead-on-arrival” ng mga doktor.

 

 

Sinabi ni Col. Barot na hinihintay pa nina P/SSgt Mardelio Osting at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, may hawak ng kaso, ang resulta ng isinagawang pag-awtopsiya sa bangkay ng biktima bago magsagawang muli ng pagsisiyasat sa kaso. (Richard Mesa)

Other News
  • Perez mapapadali na ang kayod sa San Miguel Beer

    KUNG sa Terrafirma dating kayod kalabaw si Christian Jaymar Perez, hindi na ngayon para sa San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup sa parating na Linggo, Abril 11.     Iilan lang ang nakakatuwang ng two-time defending scoring champion sa Dyip noon, ngayon ay loaded din ang sa mga kamador ang […]

  • DOH: Nadisgrasya ng paputok nitong New Year 2022 ‘mas mataas nang 42%’

    UMABOT  ng 262 kaso ng fireworks-related injuries ilang araw bago at matapos ang Bagong Taon — mas marami nang halos kalahati kumpara sa parehong panahon noong last year.     Ito ang ibinahagi ng Department of Health (DOH), Martes, ayon sa mga pagmamatyag ng kagawaran mula ika-21 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-3 ng Enero, 2023. […]

  • MEKANIKO HULI SA BARIL AT SHABU SA VALENZUELA

    KALABOSO isang mekaniko matapos makuhanan ng baril at shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Comelec checkpoint nang parahin dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City, Martes ng umaga.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong suspek na si Eduard […]