• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 birthdays na ang dumaan na magkasama: ICE, punum-puno ng pagmamahal ang mensahe kay LIZA

PUNUM-PUNO nang pagmamahal ang birthday greeting ni OPM icon Ice Seguerra sa asawang si Liza Diño, na nag-celebrate ng 43rd birthday last June 25.
Makikita sa Facebook post ang sweet photos nila na kuha sa iba’t-ibang taon.
Panimula niya, “Isang dosenang birthday na ang dumaan na magkasama tayo. You’ve worn multiple hats mula noon. Nanay, artista, chef, flamenco dancer. Hanggang sa naging chairperson, public servant, madame chevalier. 
“Tapos naging CEO ng kumpanya, creative director, producer, scriptwriter, playwright, songwriter.”
Pagpapatuloy ni Ice, “I am grateful to witness all the things you have become. Your passion knows no bounds. Parang iba-ibang persona ang taong nasa tabi ko, and you’re not just good at all of these. You freakin’ excel at it. Your drive is so infectious na kahit ang pinakatamad na tao (ako yun), nadadala mo.
“But of all these personas, my favorite will always be you as my wife, my soul partner and best friend. That when all the world is finally quiet, you come home to me, stripped of all the facade, and just be you. Kaya swerte ako, because I get to experience the most beautiful part of you.”
Pagtatapos pa ng kanyang mapusong mensahe para kay Liza, You’re the best thing that has ever happened to me. I will forever be your number 1 fan and I’ll always be here to celebrate you and remind you of how awesome you are.
“Happy birthday, my love.
 
***

PINANGUNAHAN ng Filipino musical na “Song of the Fireflies” ang listahan ng mga pelikulang inaprubahan ngayong linggo ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang pelikula, itinanghal na Best Picture sa 2025 Manila International Film Festival (MIFF), ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang), at angkop sa buong pamilya.

Pinagbibidahan ni MIFF Best Actress at Asia’s Phoenix Morissette Amon, ang pelikula ay tungkol sa Loboc Children’s Choir at ang mahalagang papel ng tagapagtatag nito na si Alma Taldo (Amon).

Nakatanggap din ng PG rating ang “F1” na pinagbibidahan ni Hollywood star Brad Pitt bilang isang retiradong Formula One driver na naging mentor ng isang batang racer, pati na rin ang musical na “Miley Cyrus: Something Beautiful,” na tampok ang musika ng global pop icon na si Miley Cyrus.

Dalawang pelikula ang rated R-13 (Restricted-13) o angkop lamang para sa mga edad 13 pataas.

Kabilang dito ang lokal na pelikula na “Unconditional,” na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Allen Dizon, at ang American sci-fi horror na “M3GAN 2.0.”

Ang American horror na “The Ritual,” hango sa totoong kwento, ay rated R-16 (Restricted-16) para lamang sa edad 16 pataas. Tungkol ito sa dalawang pari na gustong iligtas ang isang babaeng wari’y sinapian.

Hinimok ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang publiko na maging responsableng manonood, lalo na sa pagpili ng mga pelikulang puwede ang mga bata.

“Ang angkop na klasipikasyon ng MTRCB ay nagsisilbing gabay para sa mga magulang at nakatatandang kasama natin sa pagsusulong ng responsableng panonood para sa kanilang pamilya, lalo na para sa mga bata,” sabi ni Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)