12 milyong essential workers target bakunahan sa ‘NCR Plus 8’
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Lumarga na ang ‘vaccination’ para sa A4 priority group o mga ‘essential workers’ kung saan nakatutok ang Department of Health (DOH) sa National Capital Region (NCR) at walo pang lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.
Tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 12 milyong ‘essential workers’ mula sa Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao ang uunahin na bakunahan sa A4 group.
Maaaring maging istratehiya ang pagbase sa edad o sa mas nakatatanda para nakalinya ang programa na maprayoridad ang mga mas ‘vulnerable’.
Nakatakdang maglabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng panuntunan sa pagbakuna sa mga manggagawa.
Sa datos ng DOH, nasa 22 milyong ‘essential workers’ sa buong bansa ang maaaring makasama sa A4 group. (Daris Jose)
-
Eumir Marcial emosyonal sa pagkatalo laban sa mas batang Uzbek boxer
NABIGO si Pinoy boxer Eumir Marcial sa men’s 80 kgs. sa nagpapatuloy na Paris Olympics. Nakuha ng nakalaban nitong si Turabek Khabibullaev mula sa Uzbekistan ang unamous decision. Sa unang round pa lamang ay ginamit ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang […]
-
‘OPLAN Kaluluwa’ ikinasa na ng PNP bago ang All Souls and All Saints Day
PINAGANA na ng Philippine National Police (PNP) ang OPLAN kaluluwa kahit nasa pandemiya pa ang bansa. Ito ay bahagi ng preemptive measure sa mga sementeryo na dinagsa na ng publiko bago ang pagsasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4. Paliwanag ni PNP Chief, Gen. Camilo Cascolan, hindi mapipigilan ang publiko sa pagdalaw sa […]
-
COVID-19 situation sa NCR mas mabuti na ngayong 2021 kaysa nakalipas na taon
Mas maganda na ang sitwasyon ngayon ng National Capital Region (NCR) sa harap ng COVID-19 pandemic kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon, ayon sa OCTA Research group. Kabilang sa mga indicators na kinunsidera ng grupo para masabi ito ay ang average daily cases, reproduction number, daily attack rate, active cases, at positivity […]