12 sundalo ng US kasama sa 60 patay sa Kabul Airport bombing
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Pentagon na 12 sundalo nila ang nasawi sa pagsabog sa Kabul Airport sa Afghanistan.
Sinabi ni Gen. Kenneth “Frank” McKenzie, namumuno sa US Central Command, kabilang sa nasawi ang 11 marines at isang Navy Medics.
Mayroong 15 mga sundalo din nila ang nasagutan na dinala na sa pagamutan.
Sa kabuuan ay nasa 60 katao ang nasawi at 140 na ang sugatan.
Dagdag pa nito na inaalam pa nila kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing suicide attack.
Magugunitang niyanig ng dalawang pagsabog ang Kabul airport na pinaniniwalaang kagagawan ng suicide bomber.
Iginiit pa rin ng Pentagon na tuloy pa rin ang ginagawa nilang paglikas sa mga mamamayan nila at mga Afghans. (Daris Jose)
-
Ads November 12, 2024
-
Abiso ni PDu30 na baka maulit ang lockdown dahil sa bagong COVID variant, hindi dapat pang ipagtaka -Malakanyang
BAHAGI na ng estratehiya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng lockdown ngayong panahon ng pandemya. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may posibilidad na muli itong ipatupad sa layuning mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng sakit. Aniya, hindi naman nahinto […]
-
Nasa office of the mayor, pero walang balak maging pulitiko… JAMES, ‘di lang aktor sa ‘Family Matters’ supervising producer din
MUKHANG mangangabog sa takilya ang ‘Family Matters’ ng CineKo Productions ngayong Pasko, sa pagsisimula nang taunang Metro Manila Film Festival Mula ito sa blockbuster tandem ng writer na si Mel del Rosario at direktor na si Nuel Nava na nasa likod din ng super mega-hit festival movie na ‘Miracle In Cell No. 7’ […]