• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

120 araw na feeding program sa Maynila

MAGKAKALOOB  ng mga masustansiyang pagkain ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat ng ‘undernourished’ na bata sa loob ng 120 araw sa isang taon makaraang maipasa ang ordinansa ng Sangguniang Panglungsod.

 

 

Sinabi ni Vice Mayor Yul Servo na naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa regular session nitong Mayo 25 ang ‘localized version’ ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act, na layong masolusyunan ang malnutrisyon sa mga kabataan.

 

 

Tatawagin ang ipinasa nila na ‘Masustansyang Pagkain para sa Batang Maynila Ordinance’, na magtatag sa Manila City Local Feeding Program sa mga daycare centers at pampublikong paaralan.

 

 

Dito magbibigay ng ‘fortified daily meals’ sa mga bata sa loob ng 120 araw o hi­git pa sa isang taon.

 

 

“Most children eat just to satisfy their hunger, without proper regard to their food’s nutritional value”, paliwanag ni 4th District Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, ang principal author ng ordinansa.

 

 

Popondohan ang programa ng Special Education Fund at ipatutupad ng Manila Department of Social Welfare at may koordinasyon sa City Health Department at nasyunal na mga ahensya.

 

 

Ibinahagi naman ni Servo ang kaniyang sariling karanasan nang tumanggap din siya noong bata pa ng nutribun at gatas nang siya ay nasa elementarya pa.

Other News
  • Alapag pinasalamatan ang Kings organization

    Pinasalamatan ni dating PBA player at Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag ang Sacramento Kings organization matapos angkinin ang korona ng katatapos na NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.     “What an amazing experience here in Vegas for the NBA Summer League!!” wika ni Alapag kahapon sa kanyang Instagram account.     Ito […]

  • Cash aid para sa turismo at scholarship, ibibigay na

    NAKAHANDA na ang bilyong-bilyong cash aid para sa turismo at scholarship ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng pandemya.   Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang P13 bilyon ang maipapamigay na payout.   Kasama na rito ang P3 bilyon para sa sector ng turismo, P bilyon para sa scholar na anak […]

  • Ads October 27, 2021