14 KABABAIHAN NASAGIP, 4 ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at arestado naman ang apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City Batangas .
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naarestong suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, June Derilo, Robin Señar.
Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na ibinigay ng Destiny Rescue Pilipinas Inc. (Destiny), isang Non-Government Organization (NGO) na nakikibahagi sa paglaban sa human trafficking.
Ayon sa impormasyon, ang mga suspek ay sangkot umano sa human trafficking ng mga kababaihan, menor de edad at maging ang kanilang sariling menor de edad na anak.
Inaalok umano ng mga suspek ng P 3,500.00 hanggang P6,000.00 ang mga babae.
Nagsagawa ng survellaince ang NBI-STF at isa sa nagpanggap na seafarer at poseur costumer na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek .
Sa mga nasagip na biktima, tatlo rito ang menor de edad.
Kasama rin sa nasagip ang siyam na buwang gulang na sanggol na kasama ang kanyang ina sa mga biktima.
Kinasuhan ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 na may ugnayan sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may kaugnayan naman sa R.A.10175 o Cybercrime Law.
(GENE ADSUARA)
-
PAOCC, hiniling sa BI na ihinto na ang connecting flights kapag nagde-deport ng mga POGO worker
HINILING ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Bureau of Immigration na pigilan ang mga manggagawa ng gaming operators na lisanin ang bansa sa pamamagitan ng connecting flights. Ang katwiran ng PAOCC, may ilang tumatakas sa proseso ng deportasyon. Sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston Casio, hindi sila papayag na magkaroon pa ng transit flights mula […]
-
LOCKDOWN SA NAVOTAS CITY HALL, PINALAWIG
NILAGDAAN ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019 na nagpapalawig ng hanggang March 9, 2021 ang lockdown sa Navotas City Hall, kabilang ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at Franchising Permits Processing Unit. Ayon kay Mayor Tiangco, sa isinagawang mass testing ng mga kawani ng city hall, napag-alaman na […]
-
Ads March 16, 2023
adsmar_162023