14 years na overstaying na Indian national, inaresto ng BI
- Published on March 7, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na Indian national na gumagawa ng illegal na trabaho sa Kidapawan City.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang Indian national na si Kevin D’Souza na inaresto matapos na walang naipakitang pasaporte habang iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP).
“During interview, he told the PNP that he is in the process of acquiring his passport. However, upon verification in our system, we discovered that D’Souza has not been renewing his visa,” pagbubunyag ni Morente
Ang Indian national ay inaresto sa isang hotel ng mga opeatiba ng BI sa Kidapawan City dakong alas-5:00 ng madaling araw.
Nabatid na tanging isang ID bilang Operations Assistant sa isang real estate developer, at isang expired na kopya ng Indian passport noong pang 2012 ang tangi nitong naipapakita.
Dagdag pa ni Morente na si D’Souza ay andito na sa bansa noon pang 2005 kung saan overstaying na ito ng 14 year and 8 months.
“He has violated the conditions of his stay by overstaying, being undocumented, and engaging in gainful occupation without a proper visa,” ayon kay Morente..
Si D’Souza ay kasalukuyang nakakulong sa Davao District Holding Facility.
-
HALOS 2 MILYONG HALAGA NG SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA CAVITE
TINATAYANG halos P2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasasam sa pagkakaaresto ng tatlong katao kabilang ang nominee ng isang party List at isang menor de edad sa isang buy bust operation sa Dasmarinas City, Cavite Lunes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Asrap Kamad Kasan Datu (ASRAP) , Nominee Partylist […]
-
Direk SIGRID, puring-puri sina RHEN at RITA dahil mahusay kahit mga baguhan; wish na maging eye-opener ang ‘Lulu’
SABI ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, hindi raw niya pupurihin ang isang artista kung hindi mahusay ang acting nito. Kasi kung hindi raw mahusay ang pag-arte ng artista niya tapos pinuri niya, that will also reflect on her as a director. Bida sa Lulu, na first series niya about girl-to-girl relationship […]
-
Grab driver isinelda sa pangmomolestiya sa dalagita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 25-anyos na Grab driver matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 17-anyos na dalagita sa Navotas City. Sa ulat na natanggap ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente ng kahalayan sa tirahan ng dinakip na suspek sa Ablola St. Brgy. […]