• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 milyong target bakunahan sa 3-day national vaccine drive – DOH

Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang nasa 15 milyong Pilipino sa ikakasang tatlong araw na ‘national COVID-19 vaccination drive’ na nakatakda sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

 

“We are doing everything that we can so that this can be successful and we can reach our average or our targets,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Kung hindi man umano maaabot ang naturang target, umaasa naman sila na kahit 70% nito ay makuha nila upang maging matagumpay ang programa.

 

 

Gumugulong na umano ang kanilang paghahanda kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan ma­ging ang mga pribadong sektor at lokal na pamahalaan.

 

 

Muli siyang nanawagan sa publiko na nais mag-vo­lunteer. Nangangailangan sila ng 30,000 hanggang 50,000 vaccinators sa 10,000 itatatag na vaccination sites.

 

 

Nilinaw niya na ‘voluntary’ lamang umano ito talaga at walang matatanggap na sahod.

 

 

“This is a voluntary effort, so kung sakali pong may incentive tayo, baka mga allo­wance o ‘di kaya ay pakain lang po ang maibigay natin sa ating mga kababayan na tutulong sa atin,” dagdag ni Vergeire. (Daris Jose)

Other News
  • HOW AUSTIN BUTLER TRANSFORMED INTO THE LEGENDARY “ELVIS” PRESLEY

    WITNESS new actor Austin Butler’s transformative performance as musical legend Elvis Presley in director Baz Luhrmann’s “Elvis,” only in cinemas across the Philippines starting June 22.       [Watch the featurette “Becoming Elvis” at https://youtu.be/Ae83ixhK_lo]       “Elvis” is an epic, big-screen spectacle from Warner Bros. Pictures and visionary, Oscar-nominated filmmaker Baz Luhrmann […]

  • 97 bagong Delta variant, natukoy

    Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.     Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika […]

  • Marcial tuloy na ang ensayo sa Amerika

    NASA Estados Unidos ng Amerika na si new- turned professional at 32 Summer Olympic Games 2021 Tokyo, Japan-bound boxer Eumir Felix Marcial upang doon na ituloy ang training sa ilalim ni Frederick Steven (Freddie) Roach.   Ipinahayag ng 24-year-old at Zamboanga City native bago umalis ng bansa ilang araw pa lang ang nakararaan, na paghandaan […]