• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

16 inmates ng Bilibid, nasawi kada buwan mula Enero hanggang Oktubre ng 2022 – forensic expert

NASA  16 na inmates ng New Bilibid Prison (NBP) ang nasawi kada buwan mula noong Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon.

 

 

Batay ito sa examination na isinagawa ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun sa Eastern Funeral Services na natatanging funeral home na accredited sa Bureau of Corrections (BuCor).

 

 

Ayon kay Dr. Fortun nasa 176 ang nasawing inmates kung saan isa dito ay nangyari noong Disyembre 13, 2021 at ang huli ay noong November 6, 2022.

 

 

Pinakamataas na bilang ng mga namatay na bilanggo sa loob ng isang araw sa Bilibid ay noong Marso na nasa 24 na inmates habang pinakamababa noong Abril na nasa 10 inmates ang nasawi.

 

 

Mula sa halos 200 inmates na nasawi, ang average age ng mga pumanaw na inmates ay 56 anyos, pinakamatanda ay nasa edad 82 habang pinakabata ay nasa edad 27.

 

 

Sa ngayon, hawak pa lamang ni Dr. Fortun ang unang pahina ng death certificates ng mga inmates habang nakatakda pa lamang punan ng National Bureau of Investigation ang mga dahilan ng pagkasawi ng ibang mga inmates.

 

 

Sa 40 death case, may ilang nakalagay na dead on arrival, undetermined at “for autopsy” na pareho sa nakasulat sa death certificate ng namatay na inmate na si Jun Villamor na middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

 

 

Kung matatandaan, nagsagawa ng re-autopsy si Dr. Fortun sa labi ni Villamor at nadiskubreng namatay ito mula sa plastic bag suffocation. Nagresulta naman ito sa pagkakabunyag ng 176 unclaimed na mga bangkay ng nasawing mga inmates mula sa Bilibid. (Daris Jose)

Other News
  • 97 bagong Delta variant, natukoy

    Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.     Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika […]

  • Isang linggong nanatili sa kumbento para magdasal: SANDY, ni-reveal na minsan nang nilayasan si CHRISTOPHER

    NI-REVEAL ni Sandy Andolong na minsan din sinubok ang pagsasama nila ng kanyang mister na si Christopher de Leon na mahigit 40 taon na niyang kasama sa buhay. Ayon sa aktres, minsan niyang nilayasan ang kanyang asawa. “There was a time I left him. We had two boys that time si Rafael and Miguel. I […]

  • TO CELEBRATE PETS DAY, SONY PICTURES LAUNCHES “MONSTER PETS” SHORT FOR “HOTEL TRANSYLVANIA: TRANSFORMANIA”

    IN the short film, Monster Pets, Drac’s lovable, monster-sized puppy, Tinkles, has more energy than ever and just wants to play ball! Unfortunately, Drac is too busy juggling his duties at the hotel, so he is determined to find a monster pet companion for his huge furry friend. After a series of mismatches, Drac’s plan goes […]