16 NBA players panibagong nahawa sa COVID-19
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ngayon ng NBA na umaabot sa 16 na players ang panibagong nahawa sa COVID-19.
Tumanggi naman ang NBA na ibulgar ang mga pangalan ng naturang mga players.
Ang nasabing bilang ay nanggaling umano sa 497 players na isinailalim sa COVID-19 mula Jan. 6.
Tiniyak naman ng liga na maging ang mga staff o players na may close contact sa infected person ay isasailalim din sa isolation batay na rin sa patakaran ng NBA, Players Association at guidance mula sa CDC.
Ngayong araw tatlong mga games ang kinansela dahil pa rin sa pag-quarantine sa ilang mga players.
-
Magkasama sana sila sa filmfest movie ni Judy Ann: VILMA, ipinaliwanag kung bakit mas pinili ang ‘Uninvited’ na dream project niya
SA grandest and the fabulous mediacon ng “Uninvited “ ang naganap last Wednesday, November 20 sa The Grand Ballroom ng Solaire Resort North. Siyempre present ang mga bidang sina Star for all Seasons Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre. Kasama rin sa movie sina Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Nonie Buencamino, Ketchup […]
-
Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping
NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid. Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines. Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito. […]
-
Target population para mabakunahan ng COVID-19 vaccine sa NCR, nasa 100% na – MMDA
Naabot na raw ng National Capital Region (NCR) ang 100 percent na target population para mabakunahan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr., ang Metro Manila raw ay mayroong elligible population na 9.8 million. Labis na ikinatuwa ni Abalos ang naging […]