• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

162 iskul sa Quezon City, tinututukan  

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) District Director, PCol. Melecio M Buslig, Jr, na may kabuuang 162 na paaralan ang kanilang mahigpit na minomonitor upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sa anumang kriminalidad.

Sa ilalim ng Project Ligtas Eskwela, nagtatag ang QCPD ng 151 Police Assistance Desk (PADS) malapit sa mga pasukan ng paaralan upang magbigay ng agarang suporta sa mga mag-aaral, guro, at mga magulang.

Bukod dito, 157 aktibidad din ang isinagawa, kabilang ang flag-raising ceremonies, pagsasagawa ng foot patrol, at pakikipag-usap sa mga administrador ng paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral.

Ito ay upang matiyak din na hindi na mauulit pa ang mga nangyayaring krimen sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga mag-aaral.

“Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay isa sa pangunahin ng ating mga pulis. Sa pamamagitan ng Project Ligtas Eskwela, napapanatili natin ang pakikipag-ugnayan sa ating mga mag-aaral at mga guro,” pahayag ng QCPD chief.

Other News
  • Erik Spoelstra, pinili ng mga NBA general managers bilang ‘best head coach’

    NAPILI  bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager.       Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season.     Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion […]

  • Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B

    UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.     Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.     Ang mataas na koleksyon ng buwis sa […]

  • HEART, biglang nag-iba ang mood nang matanong sa pagkakaroon ng anxiety attack

    NAG-WORRY ang maraming netizen na nanonood ng Instagram Live ni Heart Evangelista-Escudero dahil bigla itong nag-hyperventilate.     Dahil nakaramdam ng biglaan anxiety si Heart, pinutol nito ang kanyang IG Live at nagpahumanhin sa mga nanonood sa kanya.     “I think I have to go. I need to calm down. I don’t like talking […]