17 VIETNAMESE NATIONAL, NASABAT SA AIRPORT
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Vitenamese national na pumasok sa bansa dahil sa panlilinlang sa tunay na dahilan ng kanilang biyahe.
Sa report ni BI Port Operations Division Chief Atty. Candy Tan, ang pitong Vietnamese national ay hinarang sa magkakahiwalay na okasyon sa NAIA Terminal 2 matapos lumipad mula Saigon at Singapore.
“We intercepted the first batch of three passengers on February 9, and denied their entry to the country,” ayon kay Tan. “However, we were surprised to find that another four arrived the following day,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Tan na ayon sa grupo, sinabi nila na inendorso sila ng isang IT at business solutions company pero nag tinanong nila kung paano sila konektado ssa nasbing kumpanya dito na sila magkakaiba ng sagot at inaming sa airport na lang sila nagkita-kita.
“When asked, they had no knowledge of IT or the workings of their alleged company. They were unable to establish their purpose of travel, hence they were excluded and boarded on the next available flight back to their port of origin,” ayon kay Tan. (GENE ADSUARA)
-
4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU
KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]
-
Lakas-CMD pormal ng nakipagsanib-pwersa sa administrasyon para halalan 2025
INANUNSYO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes ang opisyal na pakikipag-alyansa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa administrasyon upang punan at suportahan ang mga kandidato sa congressional-local election sa Mayo 2025. Ginawa ni Romualdez ang anunsiyo sa national convention ng partido, na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at miyembro ng Lakas-CMD […]
-
P1.4-B Panukalang budget para sa mga ‘biyahe’ ni PBBM sa 2024 , binigyang katwiran ng DBM
BINIGYANG katwiran ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mahigit sa P1.4 bilyong alokasyon para sa local at foreign missions ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon. Sa press briefing sa Malakanyang, ipinaliwanag ni Pangandaman ang pagtaas sa budget para sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa […]