• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

18-anyos na factory worker, timbog sa damo sa Malabon

SWAK sa loob ng selda ang 18-anyos na factory worker na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal na droga matapos mabitag ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si Dave Victor Talastas, (Pusher/Newly Identified) ng No. 15 Bronze Street Brgy. Tugatog.

 

 

Ayon kay Col. Daro, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa Dr. Lascano St. corner Bronze St. Brgy. Tugatog, matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng illegal na droga ang suspek.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police sa suspek ng P200 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng marijuana ay agad siyang dinakip ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P3,600 at buy bust money.

 

 

Ani PSSg Jerry Basungit, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject

    TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan.     Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam […]

  • Mananampalataya, inaanyayahan sa Visita Iglesia Virtual Pilgrimage

    Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission ang mananampalataya na makibahagi sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng kumisyon ngayong panahon ng pandemya.     Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon, ang nasabing online pilgrimage ay bahagi ng patuloy […]

  • Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go

    Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakaila­ngan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapa­lakas ang vaccine rollout.     Sinabi ni Go na kapag […]