18 pulis nagpositibo sa droga, pinasisibak
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ni Philippine National Police chief, Gen. Debold Sinas na tuluy- tuloy ang paglilinis ng kanilang hanay mula sa mga pulis na sangkot sa iba’t ibang illegal activities.
Partikular na tinukoy ni Sinas ang pagkakasangkot ng mga pulis sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot na aniya hindi tamang ehemplo sa publiko.
Ayon kay Sinas, pinasisibak niya sa tungkulin ang nasa 18 tauhan ng PNP na mga nagpositibo sa isinagawang random drug testing mula Enero 1 hanggang Pebrero 20, 2021.
Batay sa datos ng PNP Crime Lab, 17 sa naturang bilang ay mga police officer habang isa naman ang non uniformed personnel (NUP). Isinagawa ang drug testing hindi lang sa National Headquarters kundi pati sa ibat-ibang police regional offices sa buong bansa.
Aniya, ang internal cleansing ay kailangan upang maiahon ang imahe ng PNP. Kailangan na maibalik ang tiwala ng publiko sa pulis.
Sa kabuuan, nasa 80, 507 na mga PNP personnel ang sumalang sa drug test.
Sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ang mga pulis na nagpositibo sa drug test.
-
Private firms, puwede nang umangkat at bumili ng sarili nitong Covid-19 vaccine
MAAARI nang umangkat at bumili ng Covid-19 vaccines ang mga private firms kahit pa gaano ito karami. Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na lagdaan na ang anuman at lahat ng dokumento na naglalayong payagan ang private sector […]
-
Kelot na wanted sa rape sa Valenzuela, nasilo sa Laguna
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Sta. Cruz Laguna. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng 37-anyos […]
-
Quezon City LGU pasok na sa R-Cities
PASOK na ang Quezon City sa Resilient Cities Network. Ito naman ang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kung saan sumali ang lungsod sa R-Cities para mapalakas at tumibay pa ang lugar sa gitna ng banta ng shocks. Ayon kay Belmonte, maaring maging biktima ang lungsod ng heatwaves, baha, bagyo, traffic congestion, informal settlements at […]