19 nawawala habang halos 80,000 apektado dahil sa bagyong Jolina — NDRRMC
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
Libu-libo ang apektado habang halos 20 naman ang patuloy na nawawala bilang epekto ng Tropical Storm Jolina, na siyang papalabas na ng Philippine area of responsibility ngayong hapon o gabi.
Ito ang lumalabas sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ng umaga:
- Nawawala (15)
- Apektadong residente (79,062)
- Nasa evacuation centers (6,397)
- Na-displace pero wala sa evacuation center (1,470)
- Evacuation centers (90)
Sa mga nawawala, sinasabing 15 dito ang kumpirmado na habang apat pa ang patuloy na vina-validate ng NDRRMC.
Ilan na sa mga lugar na talagang naapektuhan ng naturang bagyo ay ang Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.
Wala pa namang naitatalang patay o sugatan dahil sa pagtawid ng bagyong Jolina sa kalupaan ng Pilipinas sa ngayon.
Pinsala ng bagyo
Sa ngayon, aabot na sa 193.79 milyong halaga ng pinsala na ang naitatamo ng Regions 5, 6, at 8:
- Bicol (P13.79 milyon)
- Western Visayas (P436,610)
- Eastern Visayas (P179.56 milyon)
Aabot naman sa 3,058 kabahayan ang napinsala ng tropical storm sa kasalukuyan:
- bahagyang nasira (2,900)
- wasak na wasak (158)
Dating nasa typhoon category ang bagyong “Jolina” bago ito humina sa ngayon. Sa kabila nito, patuloy namang nananala ang Typhoon Kiko sa loob ng PAR na posible pang maging super typhoon dahil sa lakas nito.
-
Nomadic Rogue Lion Is Out To Get His Revenge In The “Beast”
A huge relentless lion is out to get his revenge on humans in the highly visceral film “Beast”, starring Idris Elba, Sharlto Copley, Iyanah Halley and Leah Jeffries directed by Baltasar Kormákur, who also helmed the survival adventure film ‘Everest’ and action thrillers ‘Contraband’ and ‘2 Guns’. The nomadic rogue lion hunts his […]
-
Malakanyang, pinalagan ang sinabi ni Senador Lacson hinggil sa drug war ng pamahalaan
PINALAGAN ng Malakanyang ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na failure ang drug war ng administrasyong Duterte . Ipinamukha ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa senador ang malaking tagumpay ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at ito ay kayang patunayan ng datos. Sa katunayan ay kalahati na ng mga barangay […]
-
VIN DIESEL, winelcome ang Oscar winner sa kanyang IG post: ‘Captain Marvel’ star na si BRIE LARSON, kasama na sa cast ng ‘Fast and Furious 10’
WALA raw balak na magkaroon ng lovelife muna ang tinatawag ngayon na ‘Hugot Queen ng Bayan’ na si Hannah Precillas dahil mas nakatuon daw ito ngayon sa kanyang career bilang singer and performer. Ngayon at maluwag na ang restrictions, sunud-sunod na ang schedules niya para sa ilang regional shows para sa Kapuso network. […]