193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa Pinas na
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility.
Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi, May 11 Lunes.
Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay sina testing czar Sec Vince Dizon, DOST Sec Fortunato dela Peña, Cabinet Sec karlo Nograles, DOH Undersecretaries Leopoldo Vega Vega at Deped Usec Carolina Vidal-TaiñoTaiño, US Embassy Charge d’affaires John Law, WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe at Unicef Phils deputy Rep. Behzad Noubary.
Naging mabilis naman ang paghahatid sa mga bakuha patungo sa espesyal na storage facility sa Marikina.
Sinasabing mga piling lugar mula sa Pilipinas ang makakatanggap ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa Department of Health (DOH) kabilang na sa unang mabibigyan ng Pfizer vaccines ay ang National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Cebu at Davao.
Paliwanag ni Usec. Vergeire, ang desisyon para sa limitadong distribusyon ng Pfizer vaccines ay dahil sa sensitibo nitong cold storage requirement.
Nangangailangan kasi ng hanggang -70 degree Celsius ang temperatura sa pag-iimbak ng nasabing bakuna.
“Dahil ito yung mga subok at napatunayan natin, base on simulation activities, na yung ultra low freezer at handling nila ay makakaya at hindi tayo magkakaroon ng wastage.”
Sinabi naman ni Vergeire, hindi naman maaapektuhan ng padating na supply ng Pfizer vaccines ang rollout ng pamahalaan sa mga bakuna.
“For these vaccines that we have na marami sa ngayon, ibibigay na natin agad dito sa priority groups of population.”
Aabot na sa higit 7.7-million doses ng COVID-19 vaccines ang hawak ng Pilipinas mula nang mag-umpisa ang vaccine rollout noong Pebrero.
Bukod sa bakuna ng Pfizer, ginagamit na ng gobyerno ang COVID-19 vaccines ng Sinovac, AstraZeneca, at Gamaleya Research Institute na Sputnik V. (Daris Jose)
-
Kaso ng stroke, heart attack, asthma sumipa — DOH
MAHIGPIT na tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga acute complications ng non-communicable diseases (NCDs) gaya ng stroke, acute coronary syndrome (ACS) at bronchial asthma, matapos na makapagtala ng pagtaas ng mga kaso nito bunsod na rin ng sunud-sunod na handaan at selebrasyon ngayong holiday season. Sa datos ng DOH, nagkaroon ng 103 […]
-
Top 3 most wanted person ng Malabon, nalambat ng Navotas police
LAGLAG sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang Top 3 most wanted person sa Lungsod ng Malabon makaraang malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City. Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. NBBS Proper ang presensya ng 48-anyos na akusado na si alyas ‘Asyong’ […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 27) Story by Geraldine Monzon
NAG-ALALA si Andrea sa kabilang linya nang tila nabitawan ni Janine ang cellphone. “Janine? Hello Janine?” Wala ng sagot mula sa kaibigan. “JANINE!” sigaw ni Andrea. Nanginginig ang mga kamay ni Andrea na hindi mabitawan ang kanyang cellphone hangga’t hindi sumasagot si Janine. Sa ospital na nagkamalay si Janine. Nasa […]