194 infra projects, ibinida ng mga eco managers ng administrasyong Marcos sa Singapore
- Published on June 20, 2023
- by @peoplesbalita
IBINIDA ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Economic Briefing sa Singapore ang 194 infrastructure flagship projects na nagkakahalaga ng P8.3 trillion sa ilalim ng Build Better More program ng administrasyong Marcos.
Kabilang dito ang mga proyektong may kinalaman sa physical connectivity, water resources at agrikultura.
Mahigit kalahati nito ay popondohan ng Official Development Assistance (ODA) habang may 30% naman ay popondohan sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships.
At may bahagi rin ng mga proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF).
“We want the Maharlika Fund to be able to finance some of them, not all of them, okay? We have identified another source of funding for this very important infrastructure project that will make a difference in the landscape of the Philippine economy,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
“We will graduate into an upper-middle-income country soon, maybe in a year or two, and that means we will not be entitled to the same ODA funding so that is another source of funds,” dagdag na wika ni Diokno.
Para naman kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, sinabi nito na ang layunin ng administrasyon na gawing upper-middle income economy ang bansa ay maaaring makamit sa 2025.
Isa aniya sa tamang daan para makamit ito ay ang mang-akit pa ng mas maraming investors.
“One thing he [President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.] noticed was that among ASEAN, among our dynamic neighbors, the Philippines has the lowest number of bilateral trade relations. What the president wants is to rapidly expand that,” ani Balisacan.
Sa kabilang dako, sa ilalim ng updated standards ng World Bank, ang isang upper middle-income economy ay mayroong gross national income (GNI) per capita sa pagitan ng $4,046 at $12,535.
Taong 2019, ang Pilipinas ay nasa kategorya bilang lower-middle-income country na may GNI per capita sa pagitan ng $1,006 at $3,955.
Samantala, sinabi naman ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na ang administrasyon ay maglalaan ng sapat na pondo para sa “struggling sectors.”
“We have allocated much of the budget to social transformation, meaning, education will corner 17% of the budget, the health sector will get a boost of 19%, and food security, increased by 30%. Social protection, to ensure no one is left behind in terms of cash assistance and cash programs,” ayon sa Kalihim.
Sa ngayon, hindi pa rin nilalagdaan ng Pangulo ang MIF bill upang maging ganap na batas na ito, na mage-establisa sa bansa bilang “first sovereign wealth fund.”
May ilang ekonomista naman ang nagpahayag ng kanilang alalahanin ukol sa panukalang pondo, sinasabing hindi malinaw ang nilalayon nito at mapapansin ang ilang pagkalito hinggil sa kung saan huhugutin ang pondo na gagamtin. (Daris Jose)
-
Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio
Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio. Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa. Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang […]
-
9 ANYOS DINALIRI
SWAK sa kulungan ang isang 30-anyos na lalaki matapos na magreklamo ang isang 9 anyos menor de edad na kanyang dinaliri sa likod ng isang truck,kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 na inamiyendahan bilang RA 8353 ang suspek na si Israel Barrera , ng 799 Fabia St.,Tondo dahil […]
-
Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH
HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa. Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis. […]