• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1st WNBL Draft 2021 idaraos sa Pebrero 7

NAKAHANDA na ang lahat para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2021 sa darating na Linggo, Pebrero 7.

 

 

Mga kasalukuyan at dating kasapi ng Gilas Pilipinas o national women basketball team ang mga manguna at tiyak na maging top picks ds virtual event habang sinisimulan ng mga koponan ang proseso ng pagbalangkas ng kani-kanilang mga manlalaro.

 

 

Idaraan sa loterya ang pagkakasunud-sunod ng draft at ang paglabas ng opisyal na listahan ng mga draftee nakatakdang gawin nitong Martes, Pebrero 2.

 

 

Napag-alaman kahapon kay WNBL executive vice president Rhose Montreal na naatrasado ang okasyon sanhi nang mahigpit sa quarantine protocol, pero ginugol nila ang pahinga ng liga upang mailatag ang mga plano para sa pagpailanlang sa 2021 ng unang pambansang liga sa basketbol ng kababaihan.

 

 

Hinirit pa ng opisyal na sinuri nilang mabuti ang mga koponang nagpalistang sumali, at sa kabuuag 17 mga aplikante, anim lang ang mga pumasa sa aspetong pinansiyal na mga kalahok na rin sa liga

 

 

“Maingat kami dahil pro league kami. Inuna naming sa bawat team ang kakayahan sa pananalapi  mahalaga para sa mga manlalaro, na mababayaran nang maayos at ang pangako sa kanila’y matutupad.” (REC)

Other News
  • After na ma-divorce noong 2021… MICHELLE, ni-reveal na ikakasal for the second time

    IKAKASAL for the second time si Michelle Madrigal.         Sa kanyang Instagram story, nag-share ang dating aktres ng feelings niya ngayon: “Damn if you do, damn if you don’t. No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has […]

  • Pinadalhan na ng demand letter ng abogado ng media workers: PAOLO, patuloy na kakasuhan dahil ‘di pa nakikipag-settle sa financial obligation

    PATULOY ang pagsampa ng kaso kay Paolo Bediones dahil hindi pa rin daw ito nakikipag-settle sa financial obligation niya sa higit na 116 media workers.     Pinadalhan na raw ng demand letter si Bediones ng abogado ng media workers.   Sa isang pinadalang statement ni Bediones, sinabi nito na fully aware daw ang kanyang […]

  • Ads July 30, 2021