2 arestado sa shabu sa Valenzuela at Navotas
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
Dalawang hinihinalang drug personalities kabilang ang isang rider ang arestado ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas city.
Sa report ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Carlos Erasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 12 ng hating gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Sub-Staion 3 sa pamumuno ni P/Major Joebie Astucia sa kahabaan ng Magsaysay St. Brgy. Marulas nang parahin ni PSSg Salvador Estaris Jr. si Glenn Santos, 28, ng 55 Reyes Compd, Marulas na sakay ng isang itim na Mio motorcycle na may plakang 8926XV.
Gayunman, tumanggi umanong makipagtulungan at pumalag pa ang suspek kaya’t inaresto siya ni PSSg Estaris at nang kapkapan ni PCpl Reynold Panao ay nakuha sa kanya ang isang coin purse na naglalaman ng apat na plastic sachets ng hinihinanalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga.
Bukod dito, natuklasan din ng mga pulis na walang driver lincense ang suspek habang nagmamaneho ng motorsiklo.
Samantala, ayon naman kay PSMS Nemesio “Bong” Garo, dakong 1:30 ng hapon nang respondehan ng mga tauhan ni Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ang natanggap na report hinggil sa umano’y riot sa Palengke St. Market 3, Brgy. NBBN, Navotas.
Pagdating sa lugar, nagtakbuhan ang mga tao subalit, bumangga sa patrol mobile ng mga pulis si Florence Reyes, 30, stevedore at nahulog mula sa kanyang kanang kamay ang isang plastic sachet ng hihinalang shabu dahilan upang arestuhin ito. (Richard Mesa)
-
Tentative list ng mga kandidato para sa 2022 polls inilabas na ng Comelec
Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 29, ang tentative list ng mga kandidato para sa national at local elections sa 2022. Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maari nang makita ang tentative list ng mga kandidato para sa halalan sa susunod na […]
-
PCOO, bumuo ng bagong panel para sugpuin ang korapsyon sa loob ng ahensiya
OPISYAL na inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang sarili nitong Anti-Corruption Committee (ACC) bilang bahagi ng pagsisikap nito na sugpuin ang korapsyon sa ahensiya. Sa isang simpleng seremonya Times Plaza Building sa kahabaan ng UN Ave. sa Ermita, Manila, inaunsyo ng PCOO ang kanilang partnership sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) upang […]
-
Pin Upwards Casino ️ Azərbaycanın Rəsmi Sayt
Pin Upwards Casino ️ Azərbaycanın Rəsmi Saytı Azərbaycanda Onlayn Kazino Pin Way Up Pin-up Slot Maşınları Content Pin-up Kazinosunda Hesab Yaratmaq Və Avtorizasiya Şəxsi Hesabdan Pul Çıxarılmasının Xüsusiyyətləri Pinup 306 Rəsmi Saytda Qeydiyyat Yeni Kriptovalyuta Kazinolarını Skan Etmək Üçün Sadə Məsləhətlər Pin Up Kazinosundan Necə Pul Çıxarmaq Mümkündür Şirkət Haqqında Rəsmi Məlumat Android Və Iphone Üçün […]