2 arestado sa sugal at shabu sa Valenzuela
- Published on February 28, 2024
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador DesturaJr., habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Dalandanan Sub-Station 6 sa Brgy. Dalandanan nang ireport sa kanila ng isang concerned citizen ang hinggil sa dalawang lalaki na naglalaro ng ‘cara y cruz’ sa Overland St., Sumilang Subd., sa naturang barangay.
Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang lugar kung saan naaktuhan nila ang dalawang suspek na sina alyas “Matunan”, 21, at alyas “Marcelo”, 37, na naglalaro ng cara y cruz dakong alas-5:20 ng hapon.
Nang sitahin, nagtangkang pumalag si “Marcelo” subalit naaresto din siya at kanyang kasama ng mga pulis kung saan nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, P195 bet money at tatlong peson coin na gamit bilang ‘pangara’.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law/Cara y Cruz), Art 151 of RPC (Resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). (Richard Mesa)
-
Guwardiya ng Immigration, P7.8M ang net worth!
PINASASAILALIM ng Senado sa lifestyle check ang isang security guard na diumano’y sangkot sa kontrobersiyal na “pastillas” scheme dahil sa pagkakaroon nito ng net worth na aabot sa P7.8 milyon. Sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations ang gender quality, inusisa ni Senadora Risa Hontiveros si Fidel Mendoza, security guard ng […]
-
Top Athletes kikilalanin sa PSA Awards Night
MANINGNING ang kampanya ng Team Philippines sa nakalipas na taon partikular na sa 2024 Paris Olympics kung saan nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng dalawang ginto at dalawang tansong medalya. Kaya naman kikilalanin ang husay at galing ng mga Pilipinong atleta sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Enero 27 […]
-
Malakanyang kay FPRRD: Don’t be selfish, follow constitution
TINAWAG ng Malakanyang na ‘selfish’ o sakim si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte nang ipanawagan nito na patalsikin sa puwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. “No motive is more selfish than calling for a sitting president to be overthrown so that your daughter (Vice President Sara Duterte) can take over,” ang […]