• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 barangay sa Navotas, isinailalim sa lockdown

ISINAILALIM sa dalawang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Navotas City simula August 3 ng hating gabi hanggang 4am ng August 16 dahil sa mabilis na pagdami ng hawaan ng COVID-19.

 

 

 

“Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa nasabing mga barangay. Sa mass testing na ating isinagawa kamakailan lang, 25% ang nagpositibo. Bagaman may ECQ na sa August 6, kinailangan nating maglockdown para mahinto ang mabilis na hawaan,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

 

Lahat ng mga residente sa Tanza 1 at Tanza 2 ay dapat manatili sa bahay at kailangan sumailalim sa swab test ang mga residente sa lugar na mataas ang hawaan. Sinumang magpositibo ay dadalhin agad sa Community Isolation Facility. Bibigyan din ng relief packs ang mga pamilyang apektado.

 

 

 

Samantala, ang mga may trabaho o negosyo ay papayagang lumabas hanggang August 5 pero dapat ay hindi sila close contact at kailangan lang magpresenta sila ng valid company ID, certificate of employment o business/DTI permit.

 

 

 

Sa August 6-20, makalalabas lamang kung sino ang papayagan ng IATF.

 

 

 

Habang umiiral ang lockdown pati na ang ECQ, ang araw ng pamamalengke o pagbili ng essentials ng Brgy. Tanza 1 ay Miyerkules, Biyernes at Linggo. Sa Brgy. Tanza 2 naman ay Martes, Huwebes at Sabado. Pagsapit ng August 6, mga polisiya na ng ECQ ang susundin.

 

 

 

“Hindi po natin gusto ang lockdown; mahirap ito para sa ating lahat. Ngunit kailangan po ito para sa ikabubuti ng bawat isa. Hinihingi po namin ang iyong lubos na suporta at kooperasyon,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads March 13, 2024

  • Danish foreign minister Rasmussen, bibisita sa Pinas sa Dec. 9-10

    INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni Denmark’s Foreign Minister Lars Løkke Rasmussen sa December 9 hanggang 10, 2024.     Sinabi ng DFA na ang pagbisita ni Rasmussen sa bansa ay tanda ng unang pagkakataon na ang isang Danish foreign minister ay bibisita sa bansa sa loob ng […]

  • Business tycoon Danding Cojuangco pumanaw na, 85

    Pumanaw na sa edad na 85-anyos ang kilalang negosyante at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr.   Batay sa kumpirmasyon ng malalapit sa kanya, binawian ito ng buhay kagabi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.   May lumabas na impormasyon na matagal na rin itong may karamdaman sa lung […]