• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 BATA NASAWI SA SUNOG SA CALOOCAN

Kaawa-awa ang sinapit ng dalawang bata na kapwa tatlong taong gulang matapos ma-trap nang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong sunog sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, babae habang hindi rin umabot ng buhay sa Tondo Hospital sanhi ng suffocation si Mikho Cabansag.

 

 

Base sa report ni Arson Investigator FO1 Billy Reuben Umipig kay Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) Director FCINSP. Bernard Batnag Jr., dakong 6:35 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa 911 hinggil sa naganap na sunog sa 190 Ana Bustamante St. 2nd Avenue, Brgy. 43.

 

 

Kaagad inatasan ni Fire Insp. Elyzer Ruben Leal, hepe ng Caloocan BFP Investigation Intelligence Office ang kanyang mga tauhan na rumesponde sa naturang lugar kung saan ideneklarang fireout ang sunog dakong alas-6:44 ng gabi.

 

 

Isang Alvin Ramos na residente sa naturang lugar ang tumulong na makuha sa nasusunog na bahay ang mga biktima at kaagad isinugod ang mga ito sa naturang pagamutan.

 

 

Sa imbestigasyon ni FO1 Umipig, tatlong pamilya ang naapektuhan ng sunog na nagsimula sa isang kuwarto sa unang palapag ng bahay habang tinatayang nasa P60,000 ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng Caloocan BFP upang matukoy ang tunay na pinagmulan ng sunog. (Richard Mesa)

Other News
  • Ipagpapasa-Diyos na lang kung kailan mangyayari: SHERYL, never na tatanggi sa reunion project nila ni ROMNICK

    ISA si Sheryl Cruz sa mga ambassadors ng Skinlandia Dermatology and Plastic Surgery na pag-aari nina Noreen Divina at Juncynth Divina na sumaksi sa ribbon cutting ang blessing para sa grand opening na ginanap last Saturday, June 1 sa SM City, Fairview. Sila rin ang owner ng Nailandia na ine-endorse ni Marian Rivera na katabi lang ang puwesto sa […]

  • DOH: ‘Arcturus’ cases sa bansa nadagdagan ng 3; local transmission mukhang posible

    NADAGDAGAN pa ng tatlong kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariant XBB.1.16  o Arcturus ang nakita sa Pilipinas — ito ipinagpapalagay ng Department of Health na meron na nitong “local transmission” sa bansa.     Lumalabas sa pinakabagong COVID-19 biosuriellance report mula ika-26 ng Abril hanggang ika-6 ng Mayo na nanggaling sa Western Visayas ang mga […]

  • Upang maging ganap na batas: Pagpapalawig sa RCEF, VAT refund para sa non-resident tourists nilagdaan ni PBBM

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, ang batas na magpapalawig sa buhay ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).     Sa isinagawang ceremonial signing, pinirmahan din ni Pangulong Marcos ang VAT refund para sa mga non-resident tourists.     Sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sa pamamagitan ng paglagda sa […]