2 bebot arestado sa shabu sa Caloocan at Navotas
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
Bagsak sa kulungan ang dalawang babae, kabilang ang katulong ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) matapos makuhanan ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Navotas cities.
Kinilala ni DDEU chief P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang suspek na si Jeremiah Dimia, 33 ng 122 Guido 2 St. Maypajo Brgy. 33, Caloocan city.
Sa imbestigasyon ni PCpl Jezell Delos Santos, dakong 6:30 kahapon ng umaga nang mahulihan ni PSSg Ronel Tamayo ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu si Dimia sa loob mismo ng DDEU office sa Langaray St. Kaunlaran Village, Brgy. 14.
Sa Navotas, dakong 12:30 naman ng umaga nang maaresto ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 3 sa pangunguna ni PLT Juanito Arabejo Jr. na nagsasagawa ng patrolya at nagpapatupad ng city ordinance sa kahabaan ng Baron St. Brgy. NBBN si Edna Serrador, 54 ng Old Fishport.
Narekober ng mga pulis kay Serrador ang nasa 7.4 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P50,320.00 ang halaga.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
OCTA suportado ang mungkahing ‘wag gawing requirement ang pagsuot ng face shield sa sinehan
Suportado ng OCTA Research group ang mungkahi na huwag nang gawing requirement ang pagsusuot ng face shields sa loob ng mga sinehan. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi makakapag-enjoy ang isang tao sa panonood ng pelikula sa loob ng sinehan kung oobligahin ang mga ito na magsuot ng face shield. […]
-
Panahon na para sa “bolder, urgent action” para resolbahin ang paghihirap sa tubig – PDu30
ITO na ang tamang panahon para sa “bolder vision” at “agarang aksyon” para resolbahin ang water-related issues sa Asia-Pacific region. Binigyang halimbawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga developing countries gaya ng Pilipinas na nahaharap sa mga pagsubok upang masiguro na ang universal access ng mga mamamayang Filipino ay “ligtas, affordable at […]
-
Worst is over, best is yet to come-Diokno
SINABI ni Finance Secretary Benjamin Diokno na habang “the global economy is likely to face a mild recession” sa 2023 matapos ang COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine, “the worst is over and better years are expected” para sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ni Diokno na ang Pilipinas ay “did very well […]