• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 Call Center agents na ni-recruit na magtrabaho sa Laos, ni-rescue

HINARANG ng Bureau of Immigration (BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang dalawang indibidwal na nagpanggap na magkasama sa trabaho at magbabakasyon.

 

Sa ulat ng BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang dalawang babae na may edad 25 at 31 ay tinangkang sumakay ng biyehng Bangkok, Thailand bilang mga turista at nagtatrabaho bilang mga call center agents sa Quezon City.

Pero nang kanilang ipakita ang kanilang mga dokumento ay hindi tumutugma sa kanilang naunang mga  sinabi na sa bandang huli ay inamin  na hindi sila magkasama sa trabaho  kundi ni-recruit lamang sila upang magtrabaho sa Laos bilang mga Customer Representative na may P50,000 buwang suweldo.

 

Inamin din na nagbayad sila ng P3,000 sa isang fixer na nakilala nila sa social media.

 

“We strongly advise Filipinos to be cautious when accepting job offers abroad, especially those that seem too good to be true,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado . “Many of these so-called call center jobs turn out to be fronts for large-scale scam operations that exploit and endanger our fellow countrymen.”

 

Ang mga biktima ay nasa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para imbestigahan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Digong Duterte, planong makipag-dayalogo sa AFP

    PLANO ni dating Pangulong Rodrigo ‘Digong” Roa Duterte na personal na makausap ang ilang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kanyang tinutukoy na “fractured government” subalit umiwas mula sa tahasang pag-endorso ng kudeta.       “I will be frank with them. I will lay my cards on the table, […]

  • VICTORY PARADE NG LAKERS APEKTADO NG COVID-19

    KUMPARA sa mga tradisyunal na ginagawa, kailangan munang maghintay ang mga fans ng Lakers para sa isang victory parade matapos angkinin ng koponan ang kanilang ika-17 NBA championship.   Sinabi kahapon ng Lakers management na hindi sila magsasagawa ng anumang klase ng public celebration bilang pag- iwas sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).   “We […]

  • ALAMIN: Mga bagong guidelines sa COVID-19 vaccination

    Higit isang buwan mula nang mag-umpisa ang Pilipinas sa rollout ng mga bakuna laban sa COVID-19, naglabas ang Department of Health (DOH) ng karagdagang panuntunan bilang gabay sa mga pagbabakuna.     Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2021-0175 na may petsang April 8, 2021 nakasaad ang ilang karagdagang guidelines para sa publiko at vaccination sites.   […]