2 drug suspects kulong sa P360K shabu sa Navotas
- Published on May 11, 2024
- by @peoplesbalita
NASAMSAM sa dalawang umano’y tulak ng ilegal na droga ang mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Wawie, 26, at alyas Ver, 52, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa dakong alas-1:22 ng madaling araw sa Little samar St., Brgy. San Jose.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 53.05 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P360,740.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
-
Utang ng PhilHealth sa Red Cross lumobo sa P623 milyon
Muling lumobo ang utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC). Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairman ng PRC na simula nitong Disyembre 1 ay mahigit sa P623 milyon ang utang ng PhilHealth. Giit ni Gordon, patuloy pa rin tataas ang bayarin ng PhilHealth dahil araw-araw ay may P25 […]
-
PDu30, handang mag- isyu ng Executive Order para alisin ang sagabal sa pagbili ng Covid vaccine ng mga nasa LGU
NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpalabas ng Executive Order para mabigyan ng exception ang mga nasa LGU sa pagsunod sa procurement law. Ito’y bunsod na rin ng hirit ng mga nasa Local Government na humihiling ng EO dahil sa 20 percent down payment requirement ng pharmaceutical firms sa pagbili ng COVID-19 vaccine. […]
-
Ads December 13, 2023