• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects nalambat sa Navotas buy bust, P400K shabu nasamsam

MAHIGIT P.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa dalawang umano’y tulak ng illegal na droga na natimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas police ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) na nagbebenta umano ng shabu si Ronaldo Jorge alyas “Buboy Tibayan”, 52 ng B Bruz St., Brgy. Tangos South kaya isinailalim siya sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, agad ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt Luis Rufo Jr ang buy bust operation sa A. Cruz St., Brgy. Tangos South na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-10:00 ng gabi matapos bentahan ng P10,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 51.50 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price na P350,200.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 9-pirasong boodle money.

 

 

Nauna rito, naaresto naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Tanigue St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan dakong alas-11:18 ng ng gabi si Renato Garganta alyas “Atong”, 48 ng Champaca St., Brgy. San Roque.

 

 

Ani Cpt Rufo, nakumpiska sa kanya ang nasa 13.3 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P90,440.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 5-pirasong P1,000 boodle money at P400 recovered money.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Navotas CPS sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Gilas training magsisimula na!

    AARANGKADA na nga­yong araw ang training camp ng Gilas Pilipinas para paghandaan ang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.     Magagaan na workouts muna ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas pool sa unang araw ng training sessions nito.     Hindi pa kumpleto ang pool dahil wala pa sa Maynila sina NBA star […]

  • Ads May 19, 2023

  • MAGTIPID NG TUBIG, EL NIÑO KAKABIG – PAGASA

    NANAWAGAN ang isang hydrologist sa publiko, partikular sa mga residente ng Metro Manila, na magtipid ng tubig dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng water level sa ilang mga dam.     Ayon kay hydrologist Sonia Serrano, sa kanilang pagbabantay sa Angat Dam na nagsusuplay sa 98 porsyento ng potable water sa Metro Manila […]