• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 drug suspects tiklo sa P272K shabu sa Caloocan

DALAWANG umano’y listed drug personalities, kabilang ang 51-anyos na ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng nasa P272,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang naarestong mga suspek bilang sina Nora Eleazar, 51 at Jayson Villahermosa, 34, kapwa ng Brgy. 120 ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Peñones, dakong alas-12:05 ng hating gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) sa pangunguna ni PSMS Michael Tagubilin sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Renato Castillo ng buy bust operation sa Alley 8, 2nd Avenue, Brgy  120 matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga ng mga suspek.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P3,500 halaga ng droga at nang tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 40 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P272,000 at buy bust money na isang P500 bill at tatlong pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo ang mga operatiba ng DDEU sa kanilang masigasig na kampanya kontra illegal drugs na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang umano’y notoryus drug pushers.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Duque: P290-M ang kailangan para maayos ang binagyong health facilities sa Bicol

    Umapela ng pondo ang Department of Health (DOH) sa pamahalaan para sa pagsasa-ayos ng kanilang mga pasilidad at ospital sa Bicol region na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.   Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, aabot sa P290-million ang kakailanganing pondo para maayos ang pinsalang idinulot ng sunod-sunod na bagyo sa kanilang mga pasilidad. […]

  • 19th Grand Slam: Djokovic nagkampeon sa French Open matapos talunin si Tsitsipas

    Nagkampeon sa French Open tennis si Novak Djokovic.     Ito ay matapos na talunin niya si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa score na 6-7 (6/8), 2-6, 6-3, 6-2, 6-4 at makuha nito ang ika-19th Grand Slam sa loob ng apat na oras at 11-minutong laro.     Ang 34-anyos na Serbian player ay unang […]

  • Monthly contribution ng Pag-IBIG members, planong itaas simula Enero 2024

    PLANONG itaas ng Pag-IBIG Fund ang monthly contribution ng mga miyem­bro nito, pati ng kanilang mga employers, simula sa Enero 2024.     Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, itutuloy ng ahensya ang implementasyon ng pagtaas sa kontribusyon ng mga Pag-IBIG Fund members oras na sang-ayunan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.     […]