• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2% fare commission na kinakaltas ng Grab sa TNVS drivers, walang alam ang LTFRB

WALA umanong alam ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa itinaas na 2 percent fare commission na kinakaltas ng Grab sa mga TNVS drivers na nasa APP ng naturang kumpanya.

 

 

Ang itinaas na ­komisyon ng Grab  na kinakaltas  sa kita ng TNVS drivers ay sinimulan ng kumpanya noong December 1 ngayong taon.

 

 

Ayon sa LTFRB, ang fare adjustment lamang ang pinayagan ng ahensiya para sa mga pampasaherong sasakyan at ang 2 percent fare commission ng Grab sa kita ng TNVS drivers ay kasunduan lamang ng Grab sa kanilang mga TNVS partners.

 

 

Sa ginanap na pagdinig ng House committee on Metro Manila Development, sinabi ng LTFRB na sila ang nag­reregulate ng fare matrix ng lahat ng pampasaherong sasakyan ngunit ang 2% fare commission na kinukuha ng Grab sa kita ng TNVS drivers ay internal agreement ng mga ito.

 

 

Kaugnay nito, nagalit naman si Congresswo­man Francisca Castro (ACT) sa representative ng Grab dahil hindi nito maipaliwanag sa panel kung magkano ang mawawala sa kanilang kita kung hindi na ikakaltas sa kita ng TNVS drivers ang itinaas na 2% commission ng Grab sa mga ito.

 

 

Kinuwestyon din ni Castro kung bakit nagpadala ng representative ang Grab sa pagdinig ng Kongreso gayung wala itong maipahayag na sagot sa kanilang mga tanong.

 

 

Hiniling nito sa komite na isubpoena ang ­executive ng Grab upang ito mismo ang magpaliwa­nag ng kanilang quiry hinggil sa reklamo ng mga ­drivers sa sobrang taas nang kinakaltas na ko­misyon ng Grab sa kanilang kita bilang driver ng TNVS.

 

 

Sa hearing , sinabi ni Jun de Leon ng Laban ng TNVS na dahil sa itinaas na 2 percent na komisyon ng Grab sa kita ng mga TNVS drivers, may 12 hanggang 16 oras nang nagmamaneho ang mga driver para lamang kumita sa kada pasada.

 

 

Niliwanag naman ni Congresswoman Arlene Brosas ng Gabriela party­list na matagal nang isyu at problema ang tungkol dito kayat napapanahon na ito ay maaksiyonan na ng mga kinauukulan.Inerekomenda naman ni Congressman Gustavo Tambunting sa komite na kung ayaw magpunta ng Grab executives sa subpoena ng Kamara ay mas mabuting desisyunan na ang paglalapat ng kaukulang aksyon laban dito. (Daris Jose)

Other News
  • Kelot kalaboso sa pambabastos at tangkang panunuhol sa pulis at biktima

    ISINELDA ang isang kelot matapos tangkain suhulan ang mga pulis at biktima nang maaresto sa entrapment operation dahil sa pambabastos sa 19-anyos na senior high school student sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 11312 of the Safe Spaces Act at attempted corruption of public official ang […]

  • 11-K Pulis ipakakalat sa NCR para magbigay seguridad sa paggunita ng Semana Santa

    SINIMULAN na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mag deploy ng nasa 11,000 police personnel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.     Layon nito para masiguro ang seguridad para sa tahimik, maayos at mapayapang paggunita ng mga Katoliko sa Semana Santa.     Ayon kay NCRPO Spokesperson, P/LtCol. Jenny […]

  • Russian gymnast pinatawan ng 1-year ban dahil sa pagsuporta sa paglusob sa Ukraine

    PINATAWAN ng isang taon na ban si Russian gymnast Ivan Kuliak.     Ito ay dahil sa paglalagay niya ng simbolo sa uniporme ng panghihikayat ng giyera sa Ukraine.     Inilagay kasi ng 20-anyos na si Kuliak ang letrang “Z” sa uniporme nito habang katabi si Ukrainian gymnast ​Illia Kovtun sa podium.     […]