• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 hanggang 3 taon bago bumalik ang Pinas sa normal – PDU30

HINDI na dapat pang umasa ang mga filipino na kaagad na makababalik ang bansa sa normal na situwasyon nito dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ng Pangulo na 2 hanggang 3 taon pa ang ipaghihintay ng mga filipino bago maramdaman ang pagbabalik sa normal ng Pilipinas.

 

“We will not be able to return to the old norm. Mga ano pa siguro two to three years. Pero ‘pag ang mga tao mag — nandiyan ang bakuna, magpabakuna na kaagad. At least ma-minimize na and we can achieve the herd immunity, which is a long shot. But we can attain it with the help of the people and if God helps us, we can have a steady supply of vaccines,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes.

 

Kaya nga inulit ng Pangulo na ang bakuna ang solusyon laban sa COVID-19.

 

Simula nang ikasa ang rollout ng inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1, ay mayroon ng 20 milyong katao sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19, habang 22.5 milyon naman ang nakatanggap ng kanilang first shot.

 

Tinatayang pitong milyong residente naman sa Kalakhng Maynila, COVID-19 epicenter ng Pilipinas, ang kasama sa fully immunized, kinakatawan nito ang 71.86% na target ng NCR.

 

Tinukoy naman ang sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez, tinuran ng Pangulo na “we will get a total of at least 100 million doses by the end of October, which means that maybe we can expand the vaccination program to the general population and hopefully also our children within October.”

 

Samantala, may maanghang na mensahe naman ang Pangulo para sa mga government workers na patuloy na tumatanggi na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

“Ayaw mo magpabakuna, umalis ka. Go out of government. Why? Because when you are with the government you face people, people transact business officials, well, audiences or visits,” anito.

 

Layon ng pamahalaan na magbakuna ng mahigit 77 milyong indibiduwal upang makamit ang herd immunity laban sa nakamamatay na pathogen sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Lalaki na tumangay ng P5.5 million pambayad sa sports car, arestado

    TINANGAY ng nagpakilalang taga-Bureau of Customs (BOC) ang P5.5 milyong pambayad sana sa binibiling sports car ng isang lalaki matapos itong palitan ng bundle ng papel sa Intramuros,Maynila.   Ayon kay MPD DIrector P/Brig.Gen. Arnold Thomas Ibay, pagsakay sa sasakyan ay hiniling umano ng suspek na bilangan muna ang pera sa harapan nila bago iproseso ang transaksyon […]

  • Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro

    BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang.     Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang […]

  • Walo sa sampung Pinoy, pabor pa rin na maibalik sa ere ang ABS-CBN

    KARAMIHAN o walo sa bawat sampung Pilipino ang pabor na magbalik ang ABS-CBN’s sa telebisyon at radio, ayon sa isang recent mobile-app survey na nai–report sa isang major daily noong January 30.     Nang tanungin kung pabor sila sa pagbabalik ng ABS-CBN sa nationwide broadcast operations, sinabi ng walo sa bawat 10 respondents sa […]