2 kelot, kulong sa hindi lisensyadong baril sa Caloocan
- Published on April 2, 2025
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na kapwa nag-iingat ng hindi lisensiyadong baril nang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na pagsalakay sa bisa ng search warrant sa Caloocan City.
Unang sinalakay ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals sa bisa ng search warrant na inilabas ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) 2nd Vice Executive Judge Rosalia I. Hipolito-Bunagan ng Branch 232 ang bahay ng 35-anyos na si alyas “Naldo” sa Brgy. 167 dakong alas-10:50 ng gabi,
Nakuha ng mga pulis na armado ng suot na body camera ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala sa loob ng plastic na drawer ng suspek na nagresulta sa kanyang agarang pagkakadakip.
Dakong alas-3:10 ng Sabado ng hapon nang salakayin naman ng mga tauhan ng West Grace Park Police Sub-Station-3 ang bahay ni alyas “Rene”, 33, sa Florencia St. 12th Avenue, Brgy. 71 sa bisa pa rin ng search warrant na inilabas ng hukuman.
Nakuha sa bahay ng suspek ang walang kaukulang papeles na kalibre .9mm pistol na may tatlong bala sa magazine.
Sinabi ni Col. Canals na ang dalawang nadakip sa magkahiwalay na operasyon ay sinampahan nila ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na pagpapatupad ng saearch warrant kung saan binibigyang-diin ng operasyong ito ang pangako ng NPD na disarmahan ang mga kriminal at tiyakin ang kaligtasan ng publiko. (Richard Mesa)
-
PBBM, tinintahan ang batas hinggil sa enterprise-based training
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework, araw ng Huwebes, Nobyembre 7, sa Palasyo ng Malakanyang. Itinuturing na isang pangunahing batas ng administrasyong Marcos, ang Republic Act No. 12063 ay alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan na palakasin, i-rationalize at pagsama-samahin ang iba’t ibang enterprise-based training modalities sa isang […]
-
IPINAGKALOOB kay Unang Ginang Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong “Chief Girl Scout” sa idinaos na investiture ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.
Nangako naman ang Unang Ginang na tutulong sa paghubog sa “mental, emotional, at social qualities” ng mga kabataang kababaihan. Sa naging talumpati ng Unang Ginang, kinilala nito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) para sa walang kapaguran na pagganap sa kanilang misyon para “prepare young women for their responsibilities in the home, the nation, […]
-
Paddington Returns to the Amazon Rainforest in a Thrilling New Adventure, “Paddington in Peru”
THE marmalade-loving bear with an insatiable sense of wonder is back! “Paddington in Peru,” the highly anticipated third installment in the Paddington series, sees our beloved bear heading to the vibrant Amazon jungle in search of his Aunt Lucy. This time, he’s not just visiting but embarking on a quest that will have audiences on […]