2 kelot kulong sa sugal, mga bala at shabu sa Valenzuela
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
SWAK sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto sa sugal at paglalaro ng bala sa Valenzuela City.
Sa report ni PSSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang mga tauhan ni Malinta Police Sub-Station 4 Commander P/Capt. Doddie Aguirre hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa L. Angeles St., Brgy. Malinta.
Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar at naaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal ng ‘cara y cruz’ na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas ‘Richard’, 36, dakong ala-1:10 ng madaling araw habang nakatakbo naman ang kalaro nito na si alyas ‘Japper’.
Nakuha kay ‘Richard’ ang dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720, P320 bet money at tatlong peso coins na gamit bilang ‘Pangara’.
Nauna rito, nadakip din ng mga tauhan ni Capt. Aguirre sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama ang mga tanod ng Brgy. Malinta sa pamumuno ni EX-O Mark Guerrero sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ sa Dulong Tangke Street, dakong alas-8:00 ng gabi si alyas ‘Michael’, 44 ng Tondo, Manila matapos maaktuhan pinaglalaruan ang mga bala ng baril.
Nakumpiska sa kanya ang naturang mga bala at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P240.00.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law/Cara y Cruz), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Administrasyong Marcos, nalampasan ang 2022 revenue target ng 2.2%
NALAMPASAN na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang revenue target para sa 2022 ng 2.2%. Ito ang inanunsyo ng Office of the Press Secretary (OPS), tinukoy ang report ng Department of Finance (DOF). Sinabi ng OPS na ang lumabas na revenue collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) […]
-
MRT 3 pinahaba ang oras ng operasyon
PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na pinahaba na ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3) simula noong Lunes. Ayon sa DOTr ay kanilang dinagdagan ng madaming trains ang tumatakbo sa peak hours ng operasyon nito upang magkaroon nang mas mabilis na karanasan sa pagsakay ang publiko. Sa isang advisory ay sinabi […]
-
GAL Gadot’s Video Fuels Speculation That ‘Wonder Woman’ Will Appear in ’The Flash’
WARNER Bros. and DC Films have spent the last several years working on a solo film for Ezra Miller’s Flash. The movie finally made progress when Andy Muschietti signed on to direct Christina Hodson‘s script. The Flash will deal heavily with the concept of the multiverse as it acts as a loose adaptation of Flashpoint. It is […]