• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 KULONG SA P360K HIGH GRADE MARIJUANA

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng high grade marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 ng Banaba St. Pangarap Village, Caloocan at Norman Keith Frago, 28 ng Batangas city.

 

Ayon kay BGen. Cruz, dakong 6 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. sa Parking Lot ng Victory Mall sa Brgy. 72, ng lungsod.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksiyon sa mga suspek ng P30,000 halaga ng high grade marijuana (Kush).

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng high grade marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 180 gramo ng high grade marijuana (Kush) na tinatayang nasa P360,000.00 ang halaga, marked money, digital weighing scale, 2 cellphones, at isang kulay titanium gray na Honda City (MMA 69).

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 2021 budget, pinakamahalagang budget proposal ni Pangulong Duterte sa Kongreso-Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, ang panukalang 2021 national budget ang pinaka- importanteng proposed national budget ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng paninindigan ng Malakanyang na hindi uubrang gumamit ang gobyerno ng re-enacted budget sa susunod na taon.   Ang punto ni Sec. Roque, […]

  • DOH, asang tatapusin na COVID-19 public health emergency sa 2023

    UMAASA si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mag­wawakas na ang CO­VID-19 public health emergency sa bansa sa 2023 kagaya ng pahayag ng World Health Organization (WHO) sa pandaigdigang sitwasyon.     “We are very hopeful on this, and hopefully by next year we can already see na mali-lift na itong public […]

  • Gobyerno, target na malampasan ang 100% rice self-sufficiency- PBBM

    TARGET ng pamahalaan na malampasan ang 100-percent rice self-sufficiency gamit ang agricultural initiatives nito.     Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang weekly vlog na ipinalabas, araw ng Sabado.     Sinabi ng Pangulo na itinutulak ng kanyang administrasyon ang iba’t ibang proyekto at programa na makatutulong sa mga Filipino […]